^

PSN Showbiz

Karen, nagpaparamdam sa TV5 at GMA 7?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Karen, nagpaparamdam sa TV5 at GMA 7?!
Bernadette Sembrano at Karen Davila

Maligalig nga ba ulit si Karen Davila ngayong nasa YouTube na lang ang kanyang programang Headstart?

At totoo bang bilang na rin ang mga araw ng ANC o ABS-CBN News Channel?

Totoo bang nagpaparamdam si Karen sa pamamagitan ng kanyang minions na mag-ober da bakod bakod either sa TV5 or sa GMA 7?

Ito lang ang paalala ng mga alagad ni Howie Severino sa Siete, hindi ba’t may Bernadette Sembrano-Karen Davila unwritten code daw pala na kung sinuman ang umalis at iniwan ang kanyang posisyon nang basta-basta na lamang ay hindi na makakabalik sa naturang network?

May ganu’n pala du’n?

Teka, hindi pa ba masaya si Karen sa kanyang TV Patrol at May Puhunan exposure?

Concert ni Regine, walang banda!

Nakalimutan ang salitang “banda” kahapon pero hindi si Raul Mitra ang hindi nakalipad papuntang Pechanga sa US para sa concert ni Regine Velasquez kundi ang band members at back-up singers nito.

Anyare? Hindi naayos ang visa?

Kaya ba ito sinalo ni Lorrie Ilustre na nagkumahog na maghanap ng bandang tutugtog para kay Songbird?

Malalaman natin ‘yan pag-uwi nila Regine.

Direk Louie, naglitanya

Ang maanghang na pahayag ni Direk Louie Ignacio, “Dapat bang paniwalaan ang ganitong klaseng Reviewer? Ang Goldwyn ay hindi reviewer, SYA AY ISANG BASHER AT HINDI Legit. Walang karapatang bigyan ng RESPETO ng Industriya. Di sya nakakatulong sa mga pelikulang local. Ibinabagsak nya ang pelikula imbis na hikayatin ang mga tao na panoorin ang aming pelikula ay sinisiraan nya. Ang tinatawag na film reviewer ay nagbibigay ng CONSTRUCTIVE Criticism hindi pami­mintas at paninira. Sinasabi ang kamalian sa magandang pananalita at panulat . Basher ang tawag sa katulad mo Goldwyn. Para kang MAKAPILI , mga traydor na may takip na bayong ang mukha para di makilala noong panahon ng Hapon na nagpapatay sa kapwa pilipino! Pinapatay mo ang industriya sa pamamagitan ng paninira!!!! May sarili kang award giving body at naniniwala naman ang iba !!!! Magkano???? Nag-iisa ka lang at ikaw din ang jury???? Magpakilala ka at wag magtago!!!! Tama na at baka sumikat ka lang!!!! At last na bago mo i review siguraduhin mong Louie Ignacio ang director at hindi Louie Ocampo !!!!! Mahirap ba mag imbento ng komento????? Haaaayyy wala akong pakialam kung lahat ng gagawin kong pelikula ay ibagsak mo ang ratings!!!! Umayos ka!!! Lahat ng nabigyan nya ng award HUWAG nyo seryosohin at SYA lang ang nag bigay nun nakakatawa!!!!!”

 May punto naman si Direk Louie, ‘di ba? Pero ang tanong Direk, nakaapekto ba ang review nito sa ikagaganda at box office showing ng pelikula niyo?

Hindi ba’t kailangang magkaroon naman ng delicadeza at hindi magpa-freebie at paimbita sa special screenings – tapos ay chachakahin lang ang mga papanoorin niya? Mano bang magbayad na lang ng ticket ng papanoorin mo bago ka manlait as much as you can, ‘di ba?

Pero kung inimbita o nagpapaimbita at kung tumanggap pa, magkaroon ka naman ng konting hiya ‘no?!

Sa mga kasamahan natin sa industriya, medyo ingat din sa pagseryoso sa kanya na!

Ivana, pinapayuhang mag-ala Rosanna at Rufa Mae!

Pictures don’t lie! Hindi ba’t kailangan na yatang sagutin ni Ivana Alawi ang naglabasang photos na naman with her na nagkataong nandu’n na naman si Mayor, nagkataon lang ba ‘yun?

Pati ‘yung nagsi-circulate na mga photo na meron siyang kasamang bata na sinasabing anak daw niya sa isang actor-politician, masasagot na ba ni Ivana kung may katotohanan ‘yun?

Ginusto ng mga tao si Ivana dahil sexy siyang nagpapakatotoo, puwede kayang magpakatotoo na rin siya talaga – like her predecessors Rosanna Roces and Rufa Mae Quinto?

Nakakata-quote:

“I still want to live, I know the odds are against me, dahil ang puso hindi puwedeng diktahan pero sa tulong ng dasal niyo, mabigyan pa ako ng konting extension.” – Kris Aquino

vuukle comment

KAREN DAVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with