Eric, paborito ng sindikato sa dating apps; mga naiwang property ni Dolphy sold-out na, hotel ipatatayo
Hindi lang pala sa dating app nagagamit si Eric Quizon.
In fact, favorite siya ng mga sindikato sa social media. Ito ang inamin ng actor / director.
A week ago lang nga nang kumalat ang isang photo niya sa dating app.
Na hindi pala first time. May mas malala pa kesa sa dating app.
“Oo, isa pa ‘yan. Actually marami nang cases, ‘di ko alam, siguro mabenta ang mukha ko sa mga ganyan. Kasi nangyari na ‘to sa Hong Kong, eh,” umpisa niyang kuwento sa amin.
“Kasi may gumamit ng face ko, ‘yung picture ko, tapos merong na-in love, (hinahabol ako) dahil nakakuha ng pera sa babae na ‘yun na na-in love sa akin. Kaya minsan nakikita ko sa IG ko, may mga angry face na nakaano sa akin. Sabi ko ‘bakit may mga angry face rito?’ ‘Yun pala, akala nila ako ‘talaga yon,” kuwento pa ni Direk Eric nang maka-lunch namin last Tuesday.
“Chinese, eh. Ang sinasabi ‘doctor ako,’ ‘yung ganun. Tapos ito na nga, ang nangyari I explained to them, sabi ko ‘that’s not me. I may be a public person in my country but I will not do this to fool people because I have a name to protect.’
“Naintindihan naman nila, at least nasabi na ginagamit ‘yung picture ko. Pinasabi ko lang talaga ‘I really apologize kung meron mang naapektuhan. But sabi ko, ‘next time don’t fall in love with a picture.’ If you’re going to give money, make sure that that person is present,’” paalala niya sa mga nai-scam sa mga dating app.
Ang laki kasi pala ng na-scam sa nasabing babae na paniwalang-paniwala na si Eric ang ka-chat niya at binigyan niya ng pera na 1 million HK dollars. “Sabi nila parang 1 million Hong Kong dollars. Malaki ‘yun ha. Parang that’s like P7 million. Ni-report ko tapos tiningnan ko sa IG, I’m sure it’s a syndicate, eh. Kasi halos lahat iisa ‘yung pangalan,” may paalalang kuwento pa ng anak ni Mang Dolphy.
“Sabi ko nga ‘yung mukha ko mabenta sa mga scammer. Saka ‘yung naloloko nila hindi naman bagets, eh. Mga middle aged to parang lola na.
“Kasi even sa States. May nangyari pa nga ‘yan na... merong Spanish siya. I think she’s a Spanish immigrant na taga-Texas siya. Ang ginawa niya, nag-email siya sa Net 25. So ang HR ngayon ng Net 25 tumawag, ‘Eric are you aware that this ganyan…” Sabi ko, sinagot ko ‘yung tao. Ang ending gusto lang niyang makipagkaibigan. Sabi ko ‘sure, you can get in touch with me here.’
“Tapos ito na nga ‘yung dating app, ginamit niya ‘yung pangalan ko. Tapos nakalagay nga roon, ‘I’m from Manila, Albay but I live in New York.’ Actually hindi ako nag-react. ‘Yung nag-react ‘yung mga tao. Magpo-post sana ako pero sabi ko hindi na. Kasi nga ang dami nang nag-react na. And they‘re messaging me na ‘Eric, ni-report na namin kasi alam namin hindi ikaw ‘yon.’”
Kaya alam na, ‘pag may nakitang photo niya sa dating app, fake ‘yun.
Samantala, sold-out na ang property na dinevelop nila. Ito ‘yung mga ari-arian na naiwan ng kanilang ama na si Dolphy. “’Yung sa Calatagan, sold-out na nga siya, eh. We’re planning to expand. Tapos may mga ibang project like meron diyan sa Antipolo, tapos meron din doon sa Calatagan we’re putting up a hotel.
Matutuloy na siya. And then ‘yung hotel na ‘yun andun din ‘yung museum. So parang ‘yung hotel, it’s a structure na parang event space siya. Kasi ‘yung loob niya, think Manila Peninsula, merong parang courtyard sa loob tapos merong hagdanan na may grand staircase,” update pa ng actor-director na nagpaplano ngayong dumalaw kay Kris Aquino.
Kelan magbubukas ‘yung museum? “Hindi pa. Medyo matagal pa ‘yan kasi nadun pa lang kami sa planning stages ng pagpapatayo.”
Gaano kalaki ‘yung property, ‘yung pagtatayuan ng hotel?
“’Yung naka-allot na property doon sa Dolphy Manor, it’s a 3,000 sqm meters.”
Anyway, may gagawing pelikula si Eric pero ayaw niya pang magbigay ng detalye.
- Latest