^

PSN Showbiz

Xyriel, nami-miss na iyak nang iyak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xyriel, nami-miss na iyak nang iyak!
Xyriel Manabat

Taong 2009 nang magsimula si Xyriel Manabat sa show business. Mula noon ay sunud-sunod na ang pinagbidahang teleserye at pelikula ng aktres.

Pansamantalang iniwan ni Xyriel ang pag-arte noong 2018 upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nagpasya umanong iwan ng dating child star ang pagiging isang artista dahil gusto nitong mamuhay nang normal katulad ng ibang kabataan. “Gusto ko ‘yung alarm (clock) ko hindi dahil sa pullout at pupunta sa location. Gusto ko ‘yung susunduin ako ng service and hindi ako mag-a-absent sa school. Since I started high school, I was a consistent honor student po. When I was in junior high natapos po ako ng salutatorian,” paglalahad ni Xyriel.

Nagbalik ang dalaga sa trabaho noong isang taon para sa seryeng Dirty Linen.

Nasundan agad ito ng iWantTFC series na Senior High na nagtapos noong isang buwan.

Ayon sa aktres ay talagang ipagpapatuloy na niya ngayon ang kanyang nasimulan noon sa industriya. “Practical reason is financial. But my friends tell me, non-showbiz or showbiz friends who are still there ‘pag nakukwento ako, when they see the pain in my eyes, it’s still there. Pwede pa ring umarte,” pagtatapat niya.

Umaasa si Xyriel na makagagawa pa ng mas maraming proyekto na drama ang tema. “I want to do a heavy drama again because I miss it. When I was young, they always asked me, ‘Aren’t you tired? Iyak ka nang iyak!’ But now, I really miss it. ‘Yung may gano’ng depth sa character,” pagtatapos ng dalaga.

Gillian, mas priority ang pera kesa intriga sa Kathniel

Nagbigay na ng reaksyon si Gillian Vicencio tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bago magtapos ang 2023.

May bulung-bulungan na si Gillian diumano ang posibleng naging dahilan ng paghihiwalay ng dating magkasintahan. “Nagulat po ako, wala naman pong nangyari na gano’n. First time ko po magkaroon ng gano’ng issue.”

Hindi raw tatanggihan ng dalaga kung sakali mang magkaroon ng alok na muling makasama si Kathryn o Daniel sa isang bagong proyekto. “Project po ‘yon, kailangan ng pera. Oo naman, kasi wala naman (problema),” giit ng aktres.

Matatandaang nakabilang si Gillian sa seryeng 2 Good 2 Be True na pinagbidahan ng tambalang Kath-Niel noong 2022. Matagal na rin daw hindi nakapag-uusap sina Gillian at Daniel. “Hindi naman po kami nag-uusap. Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after ng taping. No’ng taping lang talaga kami nakakapag-usap (sa buong grupo),” dagdag ng dalaga.

Nakaranas nang pamba-bash sa social media ang aktres mula nang masangkot sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Aminado si Gillian na nagkaroon siya ng trauma dahil sa mga negatibong komento na ibinabato sa kanya ng netizens. “Hindi maiiwasan na makaramdam ka ng trauma. Hindi ko na matandaan ‘yung pinakamasakit na comment kasi marami po. Siyempre maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi. Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon. I cannot control the minds of other people. At least I know myself and my truth,” makahulugang pagbabahagi ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

XYRIEL MANABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with