Mike, nabasag ang eardrum sa sampal ni Maxene!
Maraming nilantad ang actor at StarStruck alumnus na si Mike Tan tungkol sa mga naging katrabaho at isa na rito ay kung paano siya nabingi ng dahil sa lakas ng sampal ng kaeksenang aktres.
Hindi pa raw niya agad nalaman ito pero nang mapansin niyang hirap siya sa kanyang pandinig ay nagpakonsulta siya sa doctor at doon niya nalaman na nabutas pala ang kanyang eardrum sa lakas ng impact ng sampal sa kanya.
Ito raw pala ang eksena nila ni Maxene Magalona sa seryeng Faithfully noon.
Hindi raw aware si Maxene sa nangyari dahil sinabi niya ito nang magaling na ang tenga niya.
Nang muli raw silang magkatrabaho ay pinaalahanan niya ito at humingi ito naman ito ng tawad.
Siguradong hindi naman ito sinadya ng anak ni Francis M. at nadala lamang ito sa eksena na nangyayari talaga at sinabi rin ni Mike na mabait naman talaga ang aktres.
Isa pa sa nilantad ng aktor ay ang pag-unfollow niya sa Kapuso actress na si Bianca Umali.
Nakatrabaho niya raw ang girlfriend ni Ruru Madrid mula nang bata pa ito kaya habang lumalaki ito ay nakikita niya ang pag-mature nito at wala namang duda na paganda ito nang paganda at paseksi nang paseksi.
Hindi raw niya kayang makita ang sexy photos nito dahil parang kuya na siya nito ay mas gusto raw niyang isipin ang batang Bianca.
- Latest