^

PSN Showbiz

Nadine, ayaw makisawsaw sa mga hiwalayan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine, ayaw makisawsaw sa mga hiwalayan
Nadine Lustre at Christophe Bariou
STAR/ File

Nagbigay ng reaksyon si Nadine Lustre tungkol sa sunud-sunod na hiwalayan sa show business. Matatandaang naging kontrobersyal din noong 2020 ang paghihiwalay ng aktres at dating kasintahan na si James Reid. Masaya at maayos ang relasyon ngayon nina Nadine at Christophe Bariou. “Okay na ako, guys. Hindi na ako kasali diyan. Okay na ako,” natatawang bungad ni Nadine.

Suportado umano ng French boyfriend ang lahat ng mga proyektong ginagawa ng aktres. Ayon kay Nadine ay talagang proud si Christophe dahil sa pagiging magaling ng dalaga sa pag-arte sa harap ng kamera. “Natatawa siya kapag pinapanood niya ako. Kasi kapag nakikita niya ako sa screen feeling niya ibang tao ako. But of course, he’s proud of me kahit ‘yung Deleter, no’ng pinanood niya sa sinehan parang hindi niya ma-imagine na ako ‘yon. Iba daw kasi ako kapag nagwo-work feeling niya ibang tao ako. But he’s really very proud of the project. Kasi some of the shoots nando’n siya eh. Nakita niya and nakikita niya talaga kung gaano kahirap ang shoot namin,” kwento ng dalaga.

Samantala, simple lamang ang gagawing pagdiriwang ng Valentine’s Day nina Nadine at Christophe. “Simple lang kasi pagod kami pareho the day before so simple lang. I have a vacation before I start grinding at the end of the month. Kasi medyo marami akong gagawin this Feb eh. So magbabakasyon lang ako for a bit then sabak na ulit,” pagtatapos ng aktres.

Jennica, ‘di siniraan ni jean ang tatay

Malapit si Jennica Garcia sa kanyang mga kapatid sa amang si Jigo Garcia. Ang dating aktor umano ang gumawa ng paraan upang mapalapit sa isa’t isa ang lahat ng mga anak. “Growing up usually nakikita ko lang siya ‘pag birthday ko, once a year. No’ng nag-third year high school ako, si papa kinausap ako kung gusto kong mag-transfer ng school at ‘yung school na lilipatan ko is ‘yung school kung nasaan ‘yung mga kapatid ko. Sabi niya, nag-iisip siya kung paano ako magiging malapit talaga, na makilala ‘yung mga kapatid ko and I agreed with him. Siyempre kasama ko sila Monday to Friday, nakilala ko ‘yung mga kapatid ko na araw-araw ko silang kasama,” pagdedetalye ni Jennica.

Bilang nag-iisang anak nina Jigo at Jean Garcia ay marami umanong natutunan ang aktres mula sa mga kapatid sa ama. Lubos ang pasasalamat ni Jennica sa magandang turingan nilang magkakapatid. “Kailangan ko talaga ibigay sa papa ko na sobrang ganda ng pagpapalaki niya sa apat kong kapatid. Kasi sila mismo as a family, sa kanila ko nakita na ‘yung bunso naming mag-o-open up about love life. Tapos nagugulat ako na pinag-uusapan nila lahat. Do’n ako nagka-idea na sabihin sa mga kapatid ko na from then on na magkakapatid tayong buo, na pwede ko palang sabihin ‘yon. Kasi very open naman po sila to each other,” dagdag pa niya.

Para kay Jennica ay naging maayos ang pagpapalaki sa kanya kahit matagal nang magkahiwalay ang mga magulang. Mayroon ding isang kapatid na lalaki ang aktres sa ina na ngayon ay magdadalawampu’t dalawang taong gulang na. “Kailangan ko rin talaga ibigay ‘yung credit sa mama ko. Kasi hindi ‘yon magiging gano’n kung may sinabing masama ‘yung mama ko tungkol sa papa ko. Pero wala, good words lang talaga ang binibigay ng mama ko,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with