^

PSN Showbiz

Jennica, matagal bago natutong mahalin ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennica, matagal bago natutong mahalin ang sarili
Jennica Garcia
STAR / File

Wala mang karelasyon ngayon ay masaya naman umano si Jennica Garcia sa kanyang personal na buhay.

Ayon sa aktres ay palagi siyang nakadepende sa ibang tao noon upang maging masaya. “Parang napansin ko kasi na parang all my life sobra akong dependent na may magpupuno ng cup ko para sa akin, para masabi ko na puno ako,” makahulugang bungad ni Jennica sa Magandang Buhay.

Mula pagkabata ay naram­daman ng anak nina Jean at Jigo Garcia na palaging mayroong kulang sa kanyang pagkatao.

Kahit nagkaroon na ng sari­ling pamilya ay pareho lamang daw ang pakiramdam ni Jennica. “Ewan ko, siguro dahil lumaki ako na hiwalay ang parents ko. So sabi ko ay, ‘Kailangan ko ng tatay para kumpleto na ako.’ Tapos dumating ako sa point na, ‘Ay! Hindi pa rin ako kumpleto, ‘Kailangan ko ng asawa.’ Kapag may asawa na ako kumpleto na ako. Tapos noong nag-asawa ako sabi ko, ‘Parang may kulang, parang anak.’ Tapos dumating na ‘yung dalawang anak ko pero pakiramdam ko ay parang mayroon pa ring kulang na hindi ko ma-pinpoint kung ano exactly,” pagdedetalye niya.

Sampung taon na ang nakalilipas nang magpakasal sina Jennica at Alwyn Uytingco. Taong 2021 naman nang makumpirmang nagkahiwalay na ang mag-asawa. Dalawang babae ang naging anak nina Jennica at Alwyn.

Mula nang maging single parent ay marami nang mga bagay ang natutunan ng aktres. “Hanggang sa natutunan ko na po kung paano tumayo mag-isa. Doon ko na-realize na kailangan pala mahal ko ang sarili ko para mayroon akong pagmamahal na kaya kong ibigay,” makahulugang pahayag ng aktres.

Pepe, na-pressure sa award

Lubos ang pasasalamat ni Pepe Herrera para sa Best Supporting Actor award na nakamit para sa pelikulang Rewind sa katatapos lamang na Manila International Film Festival.

Ginanap sa Los Angeles, California ang naturang event. “Thankful ako. Wala akong idea, akala ko nominee lang, ‘yon pala panalo ako, kaya masaya. Siyempre grateful tayo,” nakangiting pahayag ni Pepe.

Hanggang ngayon ay halos hindi makapaniwala ang aktor sa nasungkit na award. “Gano’n naman yata kapag award-giving bodies. Kasi ‘yung mga tao pa rin naman ang pumipili eh. So it’s always subjective. Kahit naman noong Metro Manila Film Festival, ako personally may mga nagustuhan akong performance. Example, si Ketchup Eusebio, for me deserving siya to be nominated for best supporting actor for his performance sa GomBurZa. Kahit na maigsi lang (ang eksena). Hindi siya na-nominate. Mangyayari at mangyayari talaga ‘yan. Kahit sa Oscars, nangyayari iyan. So, it’s part of life,” giit niya.

Aminado si Pepe na ngayon ay nakararamdam na ng pressure para sa mga proyektong kanyang gagawin. Ayon sa aktor ay kailangan niyang ibigay ang lahat ng makakaya pagdating sa trabaho. “Laging kasama iyan eh. Ginagamit na lang namin to our advantage, to motivate, pero hindi ko na siya iniisip. Basta kapag may bago na lang akong project, nakatuon na lang ako sa gagampanan kong role as truthful as possible,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

JENNICA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with