Movie nina Aga at Liza, magtatapat!
Showing today in more than 200 Cinemas nationwide ang pelikula nina Aga Muhlach at Julia Baretto na Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.
Nakakakaba, ‘di ba? Paano magiging event movie ito?
Sana maging maganda ang word of mouth para umabot pa at lalong tumaas para maging Valentine’s Date movie.
Ano sa tingin n’yo, kikita?
Nakakakaba, di ba?
Good luck!
Palabas na rin ang Lisa Frankenstein with our very own Liza Soberano na kakaiba ang role sa movie na ito.
Hindi lang natin alam kung ito ang pelikulang magiging big blockbuster sa Hollywood with dark humor, gothic romance and 80s music, pero puwede ba maging happy na lang tayo for Liza for living her Hollywood dream?
Ano kaya ang mas mag greater impact: ang Lisa Frankenstein ni Liza or ang Asian Persuasion ni KC?
Laglag na sa Top 5 sa Miss Universe Philippines - QC si Joyce Pilarsky. At least nabigyan kahit ‘yung mga senior ng chance. Pero sa tingin n’yo, handa na ba talaga ang Miss Universe sa isang Joyce Pilarsky? Talaga ba?
Kumusta na ba si Dominic Roque? Concerned ang fans na labis siyang nasisiraan at hinahamak sa usaping hiwalayan nila ni Bea Alonzo.
Tanging Bible quote na nga lang ba ang kanyang nasasaloob?
Umaasa ba si Enrique Gil na bumalik si Liza Soberano sa bansa for Valentine’s Day? Since they are good naman, puwede bang muling ibalik ang tamis ng pag-ibig at suportahan din ni Liza ang Big Bird movie niya?
‘Di ba birthday din ni Liza ng Valentine’s Day? May inihahanda bang sorpresa si Quen sa partner niya dati?
We’ll see!
Nakakata-quote:
“Self love and knowing when to walk away.” Ito raw ang natutunan ni Kathryn Bernardo sa kanyang journey sa buhay.
- Latest