Pagiging drama king nakatatak na kay Christopher
Talagang naging issue ang hindi pagkaka-nominate sa Best Actor category ng MIFF ni Christopher de Leon.
Ang harsh ng reaction ni Redgie Magno na hindi man lang nominated sa Best Actor si Christopher.
Sure ako, si Christopher mismo tinatawanan ang issue pero talagang mismong mga supporter niya ang hindi ito matanggap.
Ok naman sila Piolo Pascual at Dingdong Dantes na manalo, pero iyon hindi man lang nasali ang pangalan ni Christopher sa mga nominated man lang, ito talaga ang ikinagulat nang lahat.
Marami ang talagang humanga sa very casual na atake niya sa role niya sa pelikula nila ni Vilma Santos na win as Best Actress, pero parang hindi ito nakita ng mga juror.
Well, lagi naman may controversy sa awards night kaya ituring na lang na isa ito sa mga issue na lumutang.
Basta wala nang puwede pang umagaw sa trono ng King of Drama kay Christopher de Leon, tatak na niya iyon forever.
Kahit sino pang manalo, pag andiyan si Christopher tiyak na laging magkakaroon ng shadow of doubt kaya you will just take it with a grain of salts.
Ysabel, pursigidong maging lawyer
Ang ganda ngayon ni Ysabel Ortega.
Talagang at her best lagi pag nakikita mo ang dalaga at hindi nawawala ang pagiging magalang at sweet nito.
Kahanga-hanga rin na talagang focus siya na matapos ng pag-aaral ng Law at talagang pangarap niya na maging abogada balang araw.
Isang example si Ysabel sa mga artista na puwedeng pagsabayin ang pag-aaral at career.
Kaya naman ipinagmamalaki siya talaga ng kanyang mga magulang.
Isa pang bagay na ipagkakapuri mo sa kanya, hindi naging hindrance ang nangyari sa mother niyang si Michelle Ortega at sa father niyang si Lito Lapid para maging mahusay ang buhay ni Ysabel.
Maayos niyang napatakbo ang buhay niya kaya naman aside from being an actress, college graduate at may sarili pang negosyo si Ysabel.
- Latest