^

PSN Showbiz

Julia, nakikiusap na bigyan sila ng chance ni Aga

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, nakikiusap na bigyan sila ng chance ni Aga
Julia Barretto at Aga Muhlach
STAR/ File

Mula nang ilabas ang trailer ng pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko kamakailan ay pinukol ito ng mga negatibong komento mula sa netizens.

Maraming hindi sang-ayon sa pag-iibigan ng mga karakter nina Aga Muhlach at Julia Barretto sa pelikula dahil sa malaking agwat sa edad ng dalawa. “We’re not trying to normalize anything. We’re not trying to advocate anything. We’re storytellers. We wouldn’t have jumped into this production if we knew this would send the wrong message in any way,” bungad ni Julia.

Ayon sa aktres ay ginawa lamang niya ang nararapat bilang isang alagad ng sining. Mahalaga raw para kay Julia ang opinyon ng mga manonood tungkol sa kanilang pelikula. “Very much acknowledged, the feedback. At the end of the day, we make these films for our Flipino viewers to watch. So siyempre their opinion, it matters. I would never make iwas sa conversation,” giit ng dalaga.

Umaasa si Julia na susuportahan pa rin ng mga tagahanga nila ni Aga ang bagong pelikula mula sa Viva.

Mapapanood na ito sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules. “I hope they still give the film a chance. Kasi it was a love story that was born out of genuine love. I hope that will be open,” pagtatapos ng aktres.

Joao, nakikipagsabayan kay Ruffa

Nakabalik na sa trabaho si Joao Constancia pagkatapos magbakasyon sa ibang bansa kamakailan.

Kabilang ang aktor sa Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. “Masaya ako na nakabalik na ako agad dito sa Pilipinas and I started working already for Can’t Buy Me Love. Ang dami pang aabangan actually. Ang dami pang mangyayari. Lately we’ve been recording and taping sa mga eksena namin. Ang dami pang revelations tungkol sa character ko na si Carlo, tungkol kay DonBelle. Basta lahat kami ang daming revelations,” nakangiting pahayag ni Joao.

Sobrang nai-enjoy umano ng aktor ang trabaho kapag kasama ang tambalan nina Belle at Donny. “Enjoy kasi I’ve been working with DonBelle since He’s Into Her. I’ve worked with Belle on other projects na rin. Right now, it’s still fun. It’s still great to be working with them after all these years and I’m happy and excited for them talaga,” saad ng binata.

Bukod sa tambalang DonBelle ay masaya rin si Joao na makatrabaho si Ruffa Gutierrez. Madalas na nagkakaeksena ang dalawa sa naturang serye. “I love working with Ms. Ruffa. Offscreen she’s so funny. Ang dami niyang kwento palagi. Pero pagdating naman sa mga eksena, sobrang seryoso and there are times I feel like I have to step up, to get on her level. Kasi matagal na si Ms. Ruffa dito sa industriya and I want to achieve that goal rin to be that cool,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

AGA

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with