^

PSN Showbiz

Resulta ng sassy..., malaki ang padding?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Resulta ng sassy..., malaki ang padding?!
Pepe at Toni Gonzaga.
STAR/ File

Bakit hindi matanggap ng ilang myembro ng industrya ang sinabing 5  plus million na kinita ng pelikulang My Sassy Girl ni Toni Gonzaga?

Bakit ang sabi ng mga kaibigang bookers ay naka-almost 1.5 million lang ito na gross.

Nasabi tuloy ng isang prominenteng tao sa industriya ba parang Thai food lang yan - phad thai.

Grabe ang padding!

Power couples, magsasama sa isang kampanya

Balitang magbabalik sa isang Valentine campaign ang isang major ad ng isang power couple after their box office hit movie.

Paano na ang isa pang power couple din na current endorsers nito?

May posibilidad kayang magsama ang dalawang power families na ito para sa isang bonggang-bonggang campaign?

Or better and bigger pa, how about making them star in film together dahil pareho naman silang record breakers?

Local films, zero tax for 3 years; Mayor Joy nauna na

Totoo bang mag-zero amusement tax on local films for 3 years ang Metro Manila mayors na bunga sa pinag-usapan sa Manila International Film Festival?

Sana naman! Salamat, DILG, MMDA at Metro Manila mayors!

At totoo rin na bago pa man ito pag-usapan ng ibang lungsod sa Metro Manila ay ipinatutupad na ito ng Quezon City? Bravo QC Mayor Joy Belmonte!

Singer, huling may kalaplapan sa West Hollywood

Hindi ka ba maloloka sa baklitang singer na na-link pa noon sa isang kapwa singer na girlash? Ang siste, nakita itong kalaplapan ang isang afam sa Abbeys sa West Hollywood na world famous gaybar.

At English nang English daw?

Sana talaga mag-out na itong singer na ito para maging gay icon ng masa! Ang tanong ng mga kaibigan natin – hindi pa ba siya out?

Nakakata-quote

“Ang pagbabahagi ng danas, dunong at inspirasyon ay pagmamahal. ‘Yung ‘pag nagbibigay ka, parang mas maraming natitira — para sa sarili, para sa kaluluwa.

“Ilaban lagi ang pangarap!” – Zig Dulay, director, Firefly

vuukle comment

PEPE

SASSY

TONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with