Jolo, apaw ang kaligayahan sa panganganak ng misis
MANILA, Philippines — Umaapaw ang kaligayahan ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla at ng kanyang asawang si Angelica Alita-Revilla sa pagdating ng kanilang first baby.
Sa isang pahayag, sinabi ni Cong. Jolo: “Today is a very special day for us. We are very happy and grateful to announce the birth of our beautiful and healthy baby girl.
“We would also like to thank everyone for their prayers and warm wishes,” aniya.
Sa isang gender reveal party noong Agosto, inihayag ng mag-asawa na naghihintay sila ng isang sanggol na babae at sinabi ang kasabikan sa paglabas ng kanilang baby.
May isang anak na si Jolo sa ex niya, si Gab, na nasa college na ngayon.
- Latest