^

PSN Showbiz

Abot-kamay... tambak ang reklamo sa MTRCB; Chair Lala suki na ng Showtime

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Abot-kamay... tambak ang reklamo sa MTRCB; Chair Lala suki na ng Showtime
Chairperson Lala Sotto

Natatawang inamin ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na isa sa favorite TV shows at pinano­nood niya sa kasalukuyan ay ang It’s Showtime particular na ‘yung portion ng EXpecially For You (bumubuhos ang papuri para sa segment na ito lalo na at nagbubukas ito ng malayang diskusyon tungkol sa kasarian at gender expression ng tao). “Nakakaiyak kasi ‘yung ibang kuwento,” maiksing paliwanag niya.

Pero alam ba ‘toh ng daddy niya (former senator Tito Sotto) na pinapanood niya ang ka-head-on ng Eat Bulaga? “Lahat naman pinapanood ko,” natatawa pa ulit na sagot ni Chair Lala kahapon habang kausap ang mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang tanggapan.

Maaalalang sinuspinde ng MTRCB ang It’s Showtime last year for two weeks dahil sa mga reklamo particular na ‘yung sa landian ng magkarelasyong Vice Ganda and Ion Perez na nagdilaan ng cake.

But anyway, ang series palang Abot-Kamay Na Pangarap ni Jillian Ward ang pinakamaraming reklamo. Ayaw i-particular ni Chair Lala kung anong klaseng mga reklamo ‘yun.

Ganundin naman aniya ang Batang Quiapo and Black Rider. Kapapatawag lang nila sa production team ng magkatapat na action series nina Coco Martin and Ruru Madrid. “Normal naman ‘yun dito sa MTRCB. Almost everyday, may mga production or show kaming pinapatawag. If not almost, it’s really every day,” banggit pa ni Chair Lala.

Jillian Ward

Sinabi rin niya na pagkatapos ng two weeks suspension noong nakaraang taon sa Showtime ay mas naging mabait na ang programa. At very cooperative na raw ang production sa kanila.

Pero kinumpirma niyang tuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga nagbanta sa kanya noon.

At dedma na rin siya sa bashers. “Don’t let it affect you by not... Just don’t read it. Parang you don’t want to listen to opinions that don’t matter to you. Maaapektuhan lang ako ‘pag may sinabi na sa akin ang magulang ko (Tito Sen and Helen Gamboa).”

Mas mahigpit nilang binabantayan ang TV shows dahil mas napapanood ito ng mga kabataan unlike sa movies na may rating silang ibinibigay.

Pero ang medyo malungkot ay hanggang ngayon ay wala pa silang control sa mga streaming platform kung saan dapat amyendahan pa ang halos apat na dekada na charter ng MTRCB para mabigyan ng authority ang ahensya na harangan at tanggalin ang mga nilalaman ng social platforms na hindi akma sa moral values ??ng mga Pilipino. “Ang aming limited jurisdiction hinders the board from addressing the increasing number of complaints on inappropriate content na napapanood through online streaming platforms,” sabi niya pa kaya naman ang mga magulang ang kanilang gina-guide kung paano bantayan ang mga kabataan sa responsableng panonood sa pamamagitan ng kampanya nila sa Responsableng Panonood.

Si Senator Robin Padilla sa senado upang mapabilis ang pag-amend dito.

Samantala, bukod sa dalawang programa sa SMNI, ipinagbawal na rin ng nasabing ahensiya ng pamahalaan simula kahapon ang pag-ere ng programang Private Convos with Doc Rica sa One News Cable Channel, dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB Rating.

Sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nito: “Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na ‘Private Convos with Doc Rica’ ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim ng hurisdiksyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon.”

Sa Incident Report na isinabmit ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong 24 Agosto 2023, idiniin na ang episode ay naglalaman ng mga usapin ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.

Nakatanggap din umano ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa mga magulang.

Isang Notice to Appear ang inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2023, na nag-uutos sa mga Respondent na magtestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.

Nagpadala ang mga Respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsabmit ng kanilang position papers.

Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng position papers, napatunayang nilabag ng programa ang probisyon ng batas, partikular sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng Implementing Rules and Regulations ng PD.  “Hinihiling namin sa mga content creator na maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paggawa, na kumikilala sa impluwensya ng on-screen content.”

Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika.

vuukle comment

ACTRESS

JILLIAN WARD

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with