^

PSN Showbiz

Willie Revillame, magse-senador na; Sassy... ni Toni huhusgahan sa takilya

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Willie Revillame, magse-senador na; Sassy... ni Toni huhusgahan sa takilya
Willie Revillame

Bakit kaya limitado lang ang showbiz friends na nag-attend ng wedding ni Benjamin Alvez? Si Piolo Pascual nga na Tito  niya, naimbita ba? Oo naman daw.

Oh well, nasa L.A. naman si Piolo for the Manila International Film Festival. Kung nalaman siguro niya nang mas maaga aga ang wedding na ito, naiurong pala kaya niya ang paglipad tulad nina Dingdong Dantes at Alden Richards na medyo mas late pa lilipad patungong Los Angeles?

Todo promote na rin ngayon ang I Am Not Big Bird from Anima and Star Cinema starrting Enrique Gil and others, hindi ba nakakatakot din ang fate nito sa sinehan lalo pa’t napag-alaman natin sa produksyon mismo na isinubmit ito sa MMFF pero hindi nakapasa, paano na kaya?

“Palagay ko handa na ako. Handa na akong gumawa ng kabutihan. Handa na akong magsilbi hindi lang sa bayan. Handa akong magsilibi sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong,” sabi ni Willie Revillame ukol sa posibleng pagtakbo niya sa 2025 Senatorial Elections. Ang tanong, ano pala ‘yung pinaggagagawa niya rati, hindi pa pala pagsisilbi iyon at pagtulong sa mga tao? Kailangan ba talagang pasukin ang batas at politika? Paano na?

Paano na Toni Gonzaga? Bukas na ipapalabas ang My Sassy Girl starring the “most powerful person the entertainment industry” nasaan ang power? Abangan!

Totoo bang naghiwalay na ng landas sina Jed Madela at ang kanyang Tita Annie na hindi na niya manager ngayon? Bakit kaya at ano’ng nangyari sa kanilang mag-tita?

Nakakata-quote:

As CNN Philippines, signs off (effective Wednesday)- please stay in touch, and let’s not make this a goodbye but  “see you later.”

“Wishing you all continued success and looking forward to our paths crossing once again in the future.

This is Rico Hizon of CNN Philippines. News You Can Use. News You Can Trust.”

vuukle comment

ACTOR

HOST

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with