^

PSN Showbiz

Paolo, dinadawit sa breakup nina Mavy at Kyline?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, dinadawit sa breakup nina Mavy at Kyline?!
Paolo Contis.
STAR/ File

Uminit ang ulo ko nang marinig ‘yung usap­-usapan na diumano’y isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag-break si Kyline kay Mavy.

Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao sa breakup nila.

Inis ako sa nagba-bad mouth sa mga ex nila.

Dapat ‘pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag-move on.

Lagi kong ina-appreciate na after a long time ng manager / talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala akong narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin.

In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na-maintain namin ‘yung respeto namin sa bawat isa. Dahil dyan very grateful ako.

Kaya shocked ako na sa breakup nina Kyline at Mavy may mga nadamay na pangalan na binabanggit.

Kung mali ang alaga ko, tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero ‘pag siniraan mo sila nang walang basehan, mag-ingat ka dahil hindi kita uurungan.

Kaya huwag idamay si Paolo sa mga hanash ni Kyline kay Mavy Legaspi. Kung may problema sila, i-settle nilang dalawa at huwag magdamay ng ibang tao.

PAOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with