^

PSN Showbiz

Robi at Maiqui, ikukuwento ang ‘love conquers all’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Robi at Maiqui, ikukuwento ang �love conquers all�
Robi Domingo at Maiqui Pineda

Isang nakakaantig na kwento ng pag-ibig ang matutunghayan ngayong Linggo dahil ibabahagi ng bagong kasal na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda kay Bernadette Sembrano ang kanilang love story at kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok sa kanilang pagmamahalan sa Tao Po  ngayong Linggo (Enero 28). 

 Makalipas ang ilang buwan matapos nilang inanunsyo ang kanilang engagement, nagulat ang taumbayan sa paglahad ni Maiqui na mayroon siyang rare autoimmune disease na naging malaking pagsubok nila ni Robi. Pero pinatunayan nina Robi at Maiqui na totoo ang katagang ‘love conquers all’ dahil hawak-kamay nilang hinarap ang problema hanggang sa tuluyan silang ikinasal noong Enero 6.

Bukod sa mga hamon sa kanilang pag-iibigan, ipapakita rin nina Robi at Maiqui ang ilang never-before-seen post-wedding videos sa Tao Po kabilang na ang ‘unboxing’ ng kanilang wedding gifts.

Samantala, mangungumusta naman si Ganiel Krishnan sa TNT Boys na sina Kiefer, Mackie, at Francis na ikukuwento kung paano sila nagsumikap para makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. May panayam din si Ganiel kasama ang mga magulang ng TNT Boys para ipakita sa vie­wers ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga bata ng support system.

Makikilala naman ni Kabayan Noli de Castro ang 21-anyos na working student na si KC Gail Angeles, na nagbebenta ng iba’t ibang matamis para masuportahan ang kanyang pag-aaral at pamilya. Mamamangha si Kabayan kay KC dahil sa determinasyon nitong makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya sa kabila ng kanyang kapansanan. 

 Mapapanood ang mga kwento ng pag-asa at inspiras­yon na ito ngayong Linggo (Enero 28) sa Tao Po tuwing 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa news.abs-cbn.com.

vuukle comment

ACTOR

HOST

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with