^

PSN Showbiz

CNN, off the air na sa Lunes!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Follow up ito sa ating scoop kahapon tungkol sa pagsasara ng CNN Philippines. Hanggang Lunes na lang talaga sila?

At walang pagpapatuloy kahit online man lamang dahil off the air na sila after the program ni Pinky Webb na The Source!

Nakakaawa lang ang mga nawawalan ng trabaho.

Aware kaya siya? Lea, bibida sa Mormon choir

Ang acclaimed Broadway singer and actress Lea Salonga ang featured guest artist on The Tabernacle Choir at Temple Square’s tour sa Philippines. Ito ang second stop ng Hope world tour ng naturang choir na magaganap from Feb. 20-29, 2024, at ito ang magsisilbing unang pagbisita ng choir sa ating bansa.

Ang tanong agad sa FB ni Cesar Buendia, is Lea Salonga aware that the Tabernacle Choir is a Mormon choir? Is she aware of Mormon at all?

Ano nga ba ang kaso kapag ganito?

Mr. M, hindi na gaanong nararamdaman

Nasaan na si Mr. M (Johnny Manahan) sa Sparkle?

Ang sabi ng mga nasa industriya, mas gamitin pa sana siya sa shows sa GMA 7 din! Latest na nakita nating announcement ay si Mr. M ang magdidirek ng Sparkle show sa Canada by April with Julie Anne San Jose-Rayver Cruz, Bianca Umali-Ruru Madrid and Barbie Forteza-David Licauco.

Sana maibalik ang chance para si Mr. M ang gumawa ng show na level ASAP Live abroad na talagang bongga talaga o kung puwede nga, ang Christmas Special ng GMA!

Good idea, ‘di ba?

Aga at Julia, inaabangan kung magiging aggressive sa promo

Nakaka-miss sa mga promo ngayon ng mga pelikula kung saan-saang shows sila lalabas at ano ang creative production number na gagawin nila, sasayaw o kakanta ba sila sa ASAP o All-Out Sundays or dun na lang sa usual guesting route sa noontime shows.

Ang tanong, gagawin kaya nina Aga Muhlach at Julia Barretto ang masinsinang pagpo-promote na ganito para sa pelikula nilang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko?

Makakatawid-tawid network kaya sila? Sana naman, at napakahirap magpa-hit ng movie after Metro Manila Film Festival!

Actor-singer-composer-teacher, nag-emote sa dating organisasyon

Galit pa rin ba si Vince de Jesus, actor-singer-composer-teacher sa PETA na dati niyang organisasyon? May post siya na hindi siya mahal ng grupong pinaglaanan niya ng maraming taon at ngayo’y kinalimutan na siya dahil lang sa ilang moments of misbehavior?

Pagkatapos ay may linya pa siyang, kayo nga ang advocacy na sinasabi n’yo ay nagangailangan pa ng funding. Oucccch!!!

Nakakata-quote:

Sabi ng isang kaibigan, bumili nga ba ng bagong kotse si Coco Martin? Hanggang sa natawa na ang buong grupo. Happy weekend sa lahat!

vuukle comment

CNN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with