Lucy, ‘di nagbago ang hitsura

MANILA, Philippines — Isa sa love kong couple talaga sina Richard Gomez at Lucy Torres. Kasi nga very sincere sila at hindi nagbago all these years.
Gustung-gusto kong makita ang Ormoc na talagang mahal na mahal ng mag-asawang Richard at Lucy kaya pinili nilang doon na talaga mag-stay ‘pag wala silang schedule dito sa city.
Very admirable talaga ang mag-asawa na ipinakita sa lahat na kahit anong problema kayang dalhin basta nandiyan ang love at respeto.
At all these years na-maintain ni Lucy ang kanyang ganda ha, at lahat naghihintay na sa future wedding ni Juliana.
Talagang blessed ang mag-asawa. Very bongga talaga.
Kapuso stars, pinainit ang Sinulog
Mainit ang naging pagtanggap ng mga Cebuano sa paborito nilang Kapuso stars na naki-join sa makulay na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu City last weekend.
Tilian daw ang fans nang lumabas sa stage sina Kapuso stars Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion at Max Collins.
Bongga at least, normal na talaga ang lahat. Pwede na ulit ang ganitong mga event na matagal ding hindi nagawa ng marami nating celebrity dahil sa pandemic.
My virus pa rin naman pero ordinaryong sakit na lang ito kaya hindi na takot ang mga tao at talagang nagagawa na nila ang mga dating nakagawian.
Bongga.
- Latest