^

PSN Showbiz

Janice, pinakalma ni Ariel!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janice, pinakalma ni Ariel!
Janice de Belen

Noon pa man ay talagang maganda na ang pakikitungo kay Janice de Belen ng bayaw na si Ariel Rivera.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mister ng nakababatang kapatid na si Gelli de Belen dahil sa ginagawang pagtulong nito sa kanilang pamilya. “I am happy for her and I am thankful si Ariel ang asawa niya because si Ariel is not only good to her. He is good to us. Because when my mom passed, he was there. He helped us. We had somebody who was calmer than us,” emosyonal na pagbabahagi ni Janice sa YouTube channel ni Karen Davila.

Parang mga sariling anak na rin umano ang turing ni Ariel sa mga supling ng aktres. “He was good to my kids. He never thought of them as anybody different. Parang tatay kung magsermon. Minsan tatanungin pa niya ako. ‘Okay lang ba ‘pag kausapin ko?’ So, for a really long time he was a father figure to my kids. And I am very thankful for that. Kasi lagi kong iniisip kung iba ‘yung asawa ni Gelli, paki (pakialam) ba naman niya sa amin,” kwento ng aktres.

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang magkahiwalay si Janice at dating asawang si John Estrada. Para sa beteranang aktres ay masaya naman ang kanyang buhay kahit matagal nang walang karelasyon. “I am really okay like this. I am good like this. My own time, my own everything,” giit niya.

Dominic, hindi hands-on sa kasal nila ni Bea

Nakatakdang magpakasal ngayong taon sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ngayon pa lamang ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng magkasintahan para sa kanilang destination wedding. “Basta late this year. Hindi naman gano’n karami (ang bisita), intimate lang din,” bungad ni Dominic.

Ayon sa binata ay mas tutok sa preparasyon si Bea katulad ng iba nilang mga kaibigan. “I think mas hands-on ang mga babae. Kasi nagtanong na rin ako sa mga kaibigan ko na mga lalaki. Kasi minsan ‘di ba parang naaasar ‘yung mga babae kapag walang pakialam ‘yung mga lalaki, pero actually hindi naman gano’n. ‘Yung mga kaibigan kong ikinasal, mas ganon din sila eh. Mas hands-on ‘yung mga babae. Kami basta may alak, okay na,” nakangiting pahayag ng aktor sa ABS-CBN News.

Hindi raw imbitado si Daniel Padilla sa pinakaaabangang kasalan ng taon. Naging malapit na kaibigan ni Dominic sina Kathryn Bernardo at Daniel noon.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Dominic at Daniel noong 2020. Ikinalungkot ni Dominic ang paghihiwalay ng dating magkasintahan. “Nakakalungkot kasi I’ve been in their journey din as a love team. Nakita ko kung paano sila lumaki, ginawa ‘yung mga bagay together. Nakakalungkot, talagang nasaktan din ako. I’ve been friends with them for a long, long time. Siyempre nagkaroon din kami ng falling out ni Deej (Daniel) in the past years. I’ve been in touch with Kath, ‘di naman kami nawalan nang pag-uusap,” pagtatapat ng aktor. — Reports from JCC

ACTRESS

JANICE DE BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with