^

PSN Showbiz

John Estrada nagulat sa ginawa ni Kaila

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John Estrada nagulat sa ginawa ni Kaila
Kaila Estrada

Nagsimula na kagabi ang Linlang The Teleserye Version na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman, at Paulo Avelino. Kabilang din sa natu­rang proyekto si Kaila Estrada.

Matatandaang nag-trending noong isang taon sa social media ang dalaga dahil sa pagiging magaling nito sa pag-arte.

Ayon kay Kaila ay kinabahan ang amang si John Estrada nang biglang pag-usapan ng netizens ang aktres nang mapanood sa Prime Video. “No’ng una kinabahan siya. Sabi niya, ‘Bakit ka nagte-trend sa Twitter?’ Then noong nakita niya, it was because of Linlang ayun, pinanood na rin niya,” nakangiting kwento ni Kaila.

Nakilala bilang mga magagaling na artista ang mga magulang ng dalaga na sina Janice de Belen at John. Malaki ang pasasalamat ni Kaila dahil napansin ng mga manonood ang sariling kakayahan pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera. “I’m just grateful that they see me for me, and they appreciate ‘yung mga characters na ginagampanan ko, and hindi lang ‘yon ‘yung tingin nila sa akin. Parang they see that there’s more. And I’m looking forward to more projects and more blessings for this year,” makahulugang pahayag niya.

Kahit umaani ng papuri ay nakakatanggap din ng mga negatibong komento si Kaila mula sa ilang netizens.

Sa halip na masamain ay ipinagpapasalamat pa umano ng aktres ang mga ito. “Grateful po ako for both. Kasi kahit naman po ‘yung negative comments or negative feedback, there is something to take away from that something to learn. I’m open to learning and I still have so much to improve on. I’m just so grateful na nakikita ng mga tao ‘yung pinaghirapan ko and naa-appreciate nila ‘yon. For me that’s validating enough, fulfilling ‘yon for me,” paglalahad ng dalaga.

Alexa, natakot sa galit si KD

Maraming hindi pabor kay Alexa Ilacad bilang katambal ni KD Estrada. Nakararanas nang pambaba-bash ang aktres sa social media dahil dito.

Kamakailan ay ipinagtanggol naman ni KD si Alexa sa pamamagitan ng isang post sa X. “I’m very touched. Nagulat ako no’ng nag-ASAP kami, tinutukso nila ako, ‘Ang haba ng hair!’ But I was really touched,” bungad ni Alexa.

Nakaramdam umano nang takot ang aktres nang magpaalam si KD na magpo-post X. Ayon kay Alexa ay nagalit na raw si KD kaya kinailangan na raw itong gawin ng aktor. “I was actually very scared at first. When he told me that he want to post. I actually told him not to ‘coz I was okay naman. I’ve muted the things I don’t want to see, I don’t want to hear about. So, I didn’t really see what was happening, nagulat na lang ako na he was really mad. We were texting and he started saying, ‘I’m so mad, they keep doing this to you.’ I was afraid that he would receive backlash. Kasi sabi ko naman I was okay, but he couldn’t take it na,” pagdedetalye ng dalaga sa ABS-CBN News.

Malaki ang pasasalamat ni Alexa dahil sa ginagawang pagtatanggol sa kanya ni KD mula noon pa man. “Never siya nagkulang to stand up for me. He’s never afraid to do that, even if I tell him I’m fine. He really wants to show people that no one can hurt me,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

KAILA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with