^

PSN Showbiz

Isko nagbago ang isip sa 2025?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Isko nagbago ang isip sa 2025?!
Isko Moreno

Nagulat sina Paolo Contis at Isko Moreno sa sobrang dami ng taong sumalubong sa kanila sa Pagadian City nung nakaraang Sabado.

Ipinagdiwang kasi nila roon ang Pasalamat Festival, kaya dinagsa sila ng napakaraming tao.

Doon sila naglaro ng Games sa Gedli na merong Nanka at Wakali na pinagpilian. At may mga tinulungan sila sa isa pang segment ni Yorme na G sa Gedli.

Malaking pera ang ipinamigay nila roon.

Pinag-uusapan tuloy ngayon na baka mabago ang desisyon ni Isko at tumakbo na siya sa darating na   2025.

Nung isali siya ng TAPE, Inc. sa Eat Bulaga, sinabi raw ni Isko na hindi siya tatakbo sa 2025. Pero sa takbo ng mga pangyayari, posibleng hindi ito masunod.

Malaki ang nagagawa nitong pag-iikot niya sa iba’t-ibang lugar para mag-G sa Gedli.

Masang-masa ang dating niya sa pagbabaligtad ng mga salita na ginagamit niya, kaya hindi malayong manalo siya kung sakaling tatakbo siyang Senador.        

Sa latest survey nga ay nasa pangwalong posisyon siya.

Ganundin din si dating Sen. Tito Sotto, at pati si Willie Revillame. Kaya pag nagkataon, tatlong TV host na ang madadagdag sa mga bagong ihahalal na Senador.

Abangan natin yan sa 2025 elections!

Pero ang consistent na malakas pa rin sa mga tao ay si Sen. Bong Revilla na number 6 siya sa latest survey ng OCTA Research.

Kaya nagpapasalamat siya sa suporta ng mga tao at masaya siya sa magandang pagpasok ng 2024.

Samantala, tuluy-tuloy ang taping niya para sa season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula na sa Linggo bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Itutumba… at GG, salpukan!

Magtatapat sa darating na Miyerkules ang pelikulang GG (Good Game)  The Movie ni Donny Pangilinan at ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ni Janno Gibbs na siya ring nagsulat at nagdirek ng pelikula kasama ang batang si Xia Vigor.

Kasama sa dalawang pelikulang ito ang namayapang veteran actor na si Ronaldo Valdez.

Ipinagmalaki ni Janno na pinuri raw ng Daddy niya ang script na sinulat niya, kaya sobrang na-enjoy daw niya ang shooting ng mga eksenang kasama ang kanyang namayapang ama.

Inalay naman ng buong cast ng GG The Movie ang pelikulang ito kay Ronaldo.

Lalo na si Boots Anson Roa-Rodrigo ay masayang nakasama pa niya ang namayapang aktor sa pelikulang ito.

Mag-asawa sila sa pelikula at anak nila si Maricel Laxa na anak naman dito sa pelikula si Donny.

 “Alam n’yo, kumbaga, isang buong jigsaw puzzle ito. Napakagandang jigsaw puzzle.

 “Merong isang kulang na parte na maliit, malaki, pero kung wala itong jigsaw puzzle part na ito, hindi makukumpleto yung pelikula,” sabi niRonaldo Valdez ang tinutukoy dito ni Boots.

 Malaki ang pasasalamat nilang lahat na nakasama pa nila sa pelikulang ito si Ronaldo Valdez na hanggang ngayon ay ipinagluluksa pa ng movie industry ang kanyang pagpanaw.

 “This is not the time to mourn his death, but a time I think for us to enjoy and to celebrate the illustrious and meaningful life that he leds as an actor and a  member of the industry.

 “We remember him with fondest thoughts and with a lot of respect for his filmography an his great contribution to the industry by way of his work. So our loss is heaven’s gain,” saad ni Boots Anson Roa-Rodrigo.

Ngayong gabi ay magkakaroon ng premiere night ang GG The Movie sa SM Megamall at inaasahan ang pagdagsa ng mga DonBelle fans.       

  Ang alam namin, dadalo si Belle Mariano bilang suporta kay Donny.

vuukle comment

ACTOR

ISKO MORENO

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with