^

PSN Showbiz

Marcos Jr., nakapagpahinga sa concert

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marcos Jr., nakapagpahinga sa concert
Marcos Jr at pamilya
STAR/ File

Happy naman ako dahil talagang bongga na pati sina President Bongbong Marcos at First Lady Liza na nanood ng concert ng Coldplay.

Natatawa ako sa reaction ng mga tao sa mga gumamit ng helicopter para manood, especially ang First Couple.

Sa buhay at sa anumang bagay alam natin na may ranking. You get the amenities that you deserve according sa ranggo mo sa buhay. Kaya nga lahat tayo nagsisikap na marating ang itaas para mas mara­ming bagay ang ma-enjoy natin dahil mataas ang ranking natin sa buhay.

Iyan ang kalakaran, dapat lang ibigay natin.

So what kung gumamit ng helicopter ang Presidente natin?

‘Di ba karapatan niya iyon as our leader? We have to allow him to enjoy what his position is. Bakit gusto nating maging ordinaryong tao siya?

Dapat lang na tanggapin natin na siya ang leader, so dapat iba ang comfort niya, iba ang maaari niyang gawin para sa isang bagay.

Kaya dapat lang na tigilan na natin ang mga walang wawa na reklamo.

Huwag natin masyadong i-pressure ang ating leader para maging mas magaan at maayos pa ang takbo ng gobyerno natin.

Naawa nga ako tuwing nakikita ko sa TV si Papa Bongbong. Noong una siyang maupo as President ang cute cute niya, ngayon ang dami nang wrinkles at laging may black rings around his eyes. Sa sobra sigurong pag-iisip para sa bayan natin hindi na siya nakakatulog nang mahaba ‘pag gabi.

Kaya matuwa tayo na kahit papaano may pahinga siya ng konti para manood ng Coldplay.

Iyon bang pleasure na iyon hindi pa natin mabibigay para sa leader natin? Sobra naman iyan, kababawan na ng utak ang ganyang reklamo.

Sure ako nakapahinga ang utak niya sa nasabing concert ng British banda.

vuukle comment

MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with