^

PSN Showbiz

Rhen, tatapatan si Maria Ozawa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rhen, tatapatan si Maria Ozawa
Rhen Escaño

Naniwala ang sexy actress na si Rhen Escaño sa pamahiin na ginawa niya nung pumasok ang taong 2024.

Nag-ipit daw siya ng P50 sa likod ng cellphone niya, para madali ang pasok ng suwerte sa kanya sa taong ito.

“Effective po pala maglagay ka ng P50 sa likod ng phone mo nung New Year. Kasi ginawa ko po ‘yun. ‘Di ba may ganun? For money luck daw ‘yun. So, ginawa ko, wala namang mawawala e.

“Tapos after how many days. So, here we go. Next year po gawin n’yo,” masa­yang pahayag ni Rhen sa press launch ng bagong endorsement niyang CC6 Online Casino.

At tuluy-tuloy ang trabaho niya, at humaba pa ang role niya sa Can’t Buy Me Love, at eto nga may bago siyang endorsement.

First celebrity endorser ng CC6 Casino si Rhen.

Meron ding isa pang online gaming na ang kinuha namang endorser ay si Maria Ozawa.

Ilang beses nang bumalik sa bansa ang sikat na Japanese model at dating porno actress para i-promote ang ineendorso niyang online gaming.

Ngayon ay may katapat na siya, mas bata at sexy ring si Rhen Escaño.

Parang nahiya pa si Rhen nang hiningan namin siya ng reaksyon na makakatapat niya si Maria Ozawa.

“Naku! Ibang usapan, parang wala po tayong lamang dun. Nakikita n’yo naman po. Parang dehado po tayo,” kaagad na sagot ni Rhen.

Pero bumawi naman siya nang pinush ko pa rin na pahuhuli ba siya kay Maria Ozawa.

“Pero daanin na lang po siguro natin sa, kung may charm siya, mas charming po ako! Ayun na lang!

“Iba po siguro. Parang iba… iba ‘yung target namin e.

“Mas target po namin… ‘yung target ko dito sa mga charity work, kaya ko siya tinanggap.

“Siguro si Maria Ozawa, kung gusto niyang maka-join sa amin, why not!” dagdag niyang pahayag.

Buong pagpapakumbabang inamin ni Rhen na malayo pa ang agwat nila ni Maria Ozawa.

“Nag-iisa po siya, iconic,” sabi pa ni Rhen.

Nung taong 2020 lang itinatag ang CC6 Online Casino, pero namayagpag ito nang husto.

Kaya gusto rin daw nila ibalik sa mga tao ang lahat na suportang ibinigay sa kumpanyang ito.

Madalas ay may charity works sila, at ito nga raw ang isa sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang endorsement na ito.

“I’m so excited to be part of this. ‘Yun naman ang gusto natin, lagi tayong may purpose,” sambit ni Rhen.

In-announce na rin ni Rhen na may inihanda raw sila sa CC6 na magandang sorpresa para sa lahat na active members ng naturang online casino.

Talent managers, takot nang magbigay ng presyo ng kanilang mga alaga

Lalong lumala ang isyu ni Ian Veneracion tungkol sa mataas na talent fee na sinisingil ng road manager niya para magparada sa Tarlac.

Ipinost ito sa Facebook ng manunulat na si Ronald Carballo, na sinabi niyang P500K daw ang singil ni Ian at may additional na P100K per hour kapag lumagpas sa dalawang oras.

Pinutakti ng bashing si Ian ng netizens, pero marami rin ang nagtanggol sa aktor.

Agree ako sa mga dumepensa kay Ian dahil una sa lahat, hindi proper na ibun­yag mo sa social media ang isang transaction, lalo na kung nag-i-inquire ka pa lang naman sa serbisyo ng isang artista.

Kaya nga hindi mo rin masisisi ang ibang managers na nagpapapirma muna sila ng NDA o Non-Disclosure Agreement bago sila magbigay ng presyo sa mga nag-i-inquire.

Kung totoo mang may ganung inquiry kay Ian, hindi na kami nagulat sa presyong ‘yun dahil noon pa man ay naririnig na naming mahal talaga ang talent fee na bini­bigay ng aktor.

Pero karapatan niya ‘yun, at Ian Veneracion naman siya. Hindi naman siya pucho-pucho na artista na walang kakayahang mag-draw ng crowd.

Sa totoo lang, nababaan na nga kami sa P500K, dahil sa dinaluhan naming isang sosyal na birthday party ng napakayaman naming kaibigan, nalaman naming nag-charge si Ian ng P650K para mag-perform sa party na ‘yun. Tatlong kanta lang ‘yun, pero super tsika naman si Ian sa mga guest. Inikot ang buong venue, nakipag-selfie at super tsika sa aming lahat.

Happy ang birthday girl na kaibigan namin, at para sa kanya sulit ang ibinigay ng magaling na aktor.

Dahil sa isyung ‘yan, na marami ang nakisawsaw, mas lalong nagiging maingat na ngayon ang mga manager na makipag-usap sa mga nag-i-inquire sa kanilang talents.

May isang handler nga ng sikat na banda na balak kunin ng kaibigan naming Vice Governor para sa kanilang annual event, parang natatakot na siyang magbigay ng presyo, at baka i-post din daw namin sa social media kapag namahalan kami.

Sa mga mahilig magkukuha ng mga artista sa kanilang mga event, huwag sana silang magulat sa matataas na presyo ng mga artistang kinukuha nila.

Pagkatapos ng pandemic, nagdoble, ang iba ay nagtriple pa ng presyo sa mga artista.

Nandiyan pa rin kasi ang COVID. Malaking risk sa kanila ang lumabas at makihalubilo sa maraming tao. Kaya dapat na bayaran sila nang maayos at sapat.

ACTRESS

MARIA OZAWA

RHEN ESCAñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with