^

PSN Showbiz

Ara, sanay sa indecent proposal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ara, sanay sa indecent proposal!
Ara Mina.
STAR/ File

Ikinuwento ng aktres na si Ara Mina sa podcast ni Pia Arcangel ang naranasan sa ‘nakakatakot’ na lalaki na nag-alok sa kanya ng indecent proposal.

Nagkaroon daw siya ng stalker at mga manliligaw at inaming mayroon ngang mga indecent proposal.

“Wala pa naman social media nu’n, so it’s really hard for the guy to connect kung hindi mo talaga mami-meet.

“Basta I remember nagkaroon lang ako ng stalker. Nagkaroon ako ng mga suitors na, I admit na mayroong mga indecent proposal na nakakatakot, mga ganun,” bahagi ng actress.

Hindi rin niya kilala ang mga lalaki dahil pinarating lang daw sa kanya at napa-“what” daw siya nang malaman.

“One time sa manager ko may kumontak din. “Nag-meet na po ba kayo ni Ara” – ganiyan. Inaway ng manager ko, kasi ‘di ba parang may mga weird eh. Parang feeling nila kaya nilang bilhin lahat,” kuwento niya.

Ngayon ay masaya na siya sa piling ng mister na si Dave Almarinez at plano na raw nilang magka-baby ngayong taon.

‘Love begets love’

Talagang kahit hectic ang sked ng isang tao talagang naalala pa rin nila ang kanilang friends no matter how late.

I appreciate the thoughtfulness of people kahit late pa iyon. Sa showbiz alam mo na grabe ang skeds ng bawat isa.

Kaya nga sobra akong na-touch sa gesture nina Andrea Brillantes, Jane de Leon at Belle Mariano. Hindi ko pa sila personal na kilala pero para bigyan nila ako ng panahon when I got sick talagang unforgettable para sa akin.

‘Yung mga alaga ko na nagpakita ng concern, nag-melt ang heart ko. Talagang sentimental ka ‘pag mga vulnerable moment ng buhay mo.

Kaya naman ngayon kahit konti lang ang circle of friends ko I treasure them dearly dahil alam ko na sila lang ang puwede kong takbuhan ‘pag talagang kailangan ko ng tulong.

Love begets love, respect is earned, and loyalty is inborn. Basta maging mantra mo lang sa buhay na gawin mo what you feel is right at tiyak na magiging maganda ang takbo ng journey mo sa life.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with