^

PSN Showbiz

Jane, manganganib uli ang buhay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane, manganganib uli ang buhay
Jane Oineza

MANILA, Philippines — Malalagay muli sa bingit ng kamatayan si Olivia (Jane Oineza) dahil sa kasamaan ng mga Buencamino sa huling dalawang linggo ng nagbabagang teleserye na Nag-Aapoy Na Damdamin.

Unang ipinalabas noong Hulyo 2023 ang Nag-Aapoy Na Damdamin na nagtatampok kina Jane, JC De Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca bilang power couples na maiipit sa masalimuot na laro ng gantihan nang dahil sa pag-ibig.

Base sa teaser ng Nag-Aapoy Na Damdamin: The Final Checkmate na inilabas ng JRB Creative Production, may panganib na haharapin si Olivia pagkatapos niyang iligtas si Elias (Ejay Falcon) mula kina Lucas (Tony) at Victoria (Maia Gumila). Matulungan kaya ni Philip si Olivia at muling mapaibig ito?

May katapusan pa kaya ang kasamaan ni Victoria na pinaghihinalaang pasimuno sa mga pagpatay na nangyari sa ama ni Philip na si Severino (Jeffrey Santos) at tatay nina Elias at Lucas (Tony) na si Javier (Richard Quan)?

Ano naman kaya ang epekto ng mga pangyayari sa nagdadalang-tao na si Melinda (Ria)?

Ang Nag-Aapoy Sa Damdamin ay mula sa direksyon nina FM Reyes, Benedict Mique at Bjoy Balagtas at proyekto sa ilalim ng pinagsamang pwersa ng ABS-CBN at TV5.

Ito ang unang seryeng pinagbidahan ni Jane na tumanggap ng kaliwa’t kanang papuri sa kanyang pagganap bilang ang may amnesia na si Claire at ang matapang na si Olivia na naipit dahil sa mga kaguluhan ng pamilya Buencamino at Salazar.

JANE OINEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with