^

PSN Showbiz

Pauleen, handa nang manganak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, handa nang manganak
Pauleen, Tali at Vic Sotto.
STAR/ File

Na-enjoy nang husto nina Pauleen Luna ang ilang araw na bakasyon nila sa hot spring na pag-aari ng magulang niya.

Chat 1 at Chat 2 resort sa Laguna ang ginamit nila para makapagbakasyon daw muna siya bago siya manganak.

Tuwang-tuwa ang Mommy ni Pauleen na si Mommy Chat na kinuwento sa amin dahil na-enjoy raw nang husto ni Tali ang pag-swimming doon.

First time rin daw ito nakita ni Vic Sotto, at nagustuhan nila.

Gusto rin munang mag-relax pa ni Pauleen bago siya manganak, dahil malapit na raw ang due.

“Due ko si mid-January,” text sa akin ni Pauleen nang tinanong ko kung kailan na siya manganak.

May naisip na silang ipapangalan sa baby, pero ayaw pang i-share sa amin.

Maaring pagkapanganak ay doon na niya sasabihin, dahil gusto niya happy lahat sa naisip nilang name.

Dapat may konek sa mga lola ng baby ang ipapangalan nila.

Pero ang pinaka-excited daw sa lahat ay si Talitha, dahil feel na feel na raw ang pagiging ate nito.

Kaya nag-post nga siya sa kanyang Instagram account kamakailan lang na pinapakain niya ng gatas nung three days old pa lamang si Talitha.

Baby sister daw kasi talaga ang gusto ng panganay niyang anak.

Bahagi ng caption niya sa IG post na ‘yun, “I can’t believe that in a few days, I will be holding our new baby girl in my arms. Thank you dear God for blessing us with another miracle…You have been so gracious to us. Walang katapusang pasasalamat sa Iyo.

“And to my dear baby Ate Tali, I know you have been praying for a baby sister, this is it! I know in my heart you will be a loving ate to her. My prayer is that you’ll both grow knowing that you’ll always have each other’s back. What an incredible gift is is to have a sister in this world! I am so excited for you!”

Akala tuloy ng mga kaibigan ni Pauleen, nakapanganak na siya sa post niyang ‘yun.

Ruru, sinugod sa ospital!

Isang linggo munang pinagpahinga si Ruru Madrid, at hindi siya pinagtrabaho ng doctor.

Pagkatapos ng taping niya sa Black Rider nung nakaraang Biyernes, diniretso na siya sa emergency ng hospital dahil sa ilang araw na siyang tinatrangkaso at panay ang ubo niya.

Sabi nga niya sa kanyang IG post, nahihirapan na raw siyang magsalita dahil sa masakit na ang lalamunan niya sa kauubo.

Ang findings ng doctor, meron siyang upper respiratory infection. Kaya stop muna talaga siya sa trabaho at kailangan niyang magpahinga.

Hindi naman siya na-confine, pero binigyan siya ng doctor ng one week rest para mabalik ang dati niyang energy at magiging maayos ang trabaho niya.

Siyempre kaagad na nag-aalaga sa kanya ang nobyang si Bianca Umali.

Nasa IG post din nga niyang nagpapasalamat siya na kaagad nasa hospital si Bianca para bantayan siya.

Samantala, marami pang bagong aabangan sa Black Rider.

Kailangang mag-focus sa kuwento nina Ruru at Yassi Pressman, dahil ang dinig namin ay malapit nang matapos ang karakter ni Katrina Halili at ang kay Herlene Budol.

Nakita namin si Katrina sa sisimulang drama series na Mommy Dearest na makakasama niya sina Shayne Sava, Camille Prats at Amy Austria.

Meron na rin daw inihahandang project kay Herlene.

Kaya kailangan na talagang magpagaling ni Ruru para sa mas maaksyon at madramang tagpo na gagawin niya sa Black Rider.

vuukle comment

TALI

VIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with