^

PSN Showbiz

Jericho, tinuldukan ang intriga sa kanila ng asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jericho, tinuldukan ang intriga sa kanila ng asawa
Jericho Rosales.
STAR/ File

Noong isang taon pa napababalita ang tungkol sa paghihiwalay diumano nina Jericho Rosales at Kim Jones. Walang naging kumpirmasyon mula sa mag-asawa kaya hindi pa rin natuldukan ang isyu.

Kamakailan ay nagbigay ng reaksyon ang aktor tungkol dito. “We’re happy, we’re good. We’re amazing, fantastic. We’re good,” paglilinaw ni Jericho.

Sampung taon na ang nakalilipas nang magpakasal sina Jericho at Kim. Naging maugong ang tungkol sa hiwalayan ng mag-asawa dahil sa mga komento ng netizens sa social media. Ayon kay Jericho ay hindi na lamang niya pinapansin ang mga malisyosong balita tungkol sa kanila ng misis. “No comment, I never really talk about my relationships,” giit niya.

Samantala, ngayong taon ay magiging aktibo nang muli si Jericho sa paggawa ng iba’t ibang proyekto. “I don’t want to make announcements yet but I’m back. I’m going to stay here in Pinas for now to pursue my film career. Still singing of course. We finished Sellblock so it’s coming this year and working on a couple of movies. Siyempre we’re very, very excited of Sellblock kasi ang tagal na naming ginagawa ‘yung Sellblock eh. Sobrang excited, meaning my entire team and the lead actors and the producers. So we’re happy,” pagbabahagi ng aktor.     

Ricci, umiwas makisawsaw kay Andrea

Ayaw nang magbigay ng komento ni Ricci Rivero tungkol sa pagkakasangkot ni Andrea Brillantes sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Para sa basketball player ay hindi na dapat siya idamay pa sa isyu lalo pa’t masaya ang kanilang relasyon ngayon ni Leren Mae Bautista. “No comment na po. Wala akong anything sa kahit na sino. Ako naman ang importante lang sa akin is okay ‘yung family ko. Wala kaming hate sa kahit ano man. ‘Yung sa akin ay nasaktan man kami, sila, si Leren, ‘yung family niya. Gusto lang is siyempre makilala sila ng tao kung sino sila. Kung anong sabihin sa akin, medyo kaya kong tanggapin pero siyempre do’n sa loved ones natin mahirap,” makahulugang pahayag ni Ricci.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Ricci at Andrea noong isang taon. Nadamay rin ang kanya-kanyang pamilya dahil sa isyung kinasangkutan ng dating magkasintahan. Nakaranas ng online bashing ang binata dahil naakusahang may nakasabayan na ibang babae si Andrea habang magkarelasyon pa ang dalawa. “Everyone knows do’n sa buong circle namin. Wala pong overlapping pero wala naman sa akin. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kahit na sino. Kasi ‘yung sa akin naman, we know what’s true. We know what’s right from wrong. We know God will always make a way for the people who follows. Kasi sa akin naman, ‘yung bond ng family, ‘yung core namin is talagang we know na hangga’t nasa tama naman and maayos naman, God will find a way to help us din through all the storms. Kasi lahat naman ‘yan hindi Niya ibibigay sa atin without Him knowing na kaya natin lampasan,” paliwanag ng basketbolista.

Pagkatapos nang hiwalayan noong isang taon ay hindi na umano nagkausap pa sina Ricci at Andrea. Umaasa ang binata na naayos na ang kung ano mang gusot sa pagitan nila. “Hindi po (nakapag-usap), siguro,” nakangiting pahayag niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

HEART

JERICHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with