^

PSN Showbiz

Anak nina Iza at Bianca, back-to-back ang binyagan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anak nina Iza at Bianca, back-to-back ang binyagan
Fr. Tito, Bianca King, Iza Calzado at pamilya
STAR/ File

Natitiyak naming sobrang saya ng Wintle family ng asawa ni Iza Calzado na si Ben sa back-to-back na binyagan ng anak nila na Iza na si Deia at kay Bianca King na si Sadie Harlow.

Kapatid ni Ben Wintle ang asawa ni Bianca na si Ralph, at nagbakasyon dito sa Pilipinas ang pamilya nina Ben at Ralph na naka-base sa United Kingdom.

Magkakasama silang nag-celebrate ng Pasko sa Boracay, at kahapon, Jan. 13, ay bininyagan sina Deia Amihan at Sadie Harlow sa St. Andrew the Apostle Parish Church sa Makati.

Pinabinyagan na muna nina Iza at Ben si Baby Deia bago nito i-celebrate ang first birthday niya sa Jan. 26.

Si Father Tito Caluag na malapit kina Iza ang nagbinyag sa dalawang bagets na dinaluhan ng buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang dating Vice President Leni Robredo ang isa sa ninang kay Baby Deia at ang iba pang malalapit na kaibigan ng mag-asawang Ben at Iza na sina Cheska Inigo, Lyn Pinagu, Pam Quinones, Culver at Debbie Padilla, Katrina Holigores at iba pa nilang non-showbiz friends.

Sobrang cute nina Baby Deia at Sadie sa pictures, pero nakakatuwa ang pagiging masayahin nitong anak nina Iza at Ben.

Lahat na kuha sa mga litrato ay ngiting-ngiti ito.

Nakitaan naman daw talaga ni Iza na mukhang magsu-showbiz din si Baby Deia, dahil sobrang charming nito.

“Alam na! Hindi mapagkakaila, Calzado ‘yan!” bulalas ni Iza.

Ogie, handa na sa kasal ng anak

Ang ganda ng concept ng Valentine concert nina Ogie Alcasid at Odette Quezada ang title ay Love Q&A.

Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa Feb. 14 at 15. Pero magkakaroon muna sila ng pre-Valentine show sa Nustar Convention Center, Cebu City sa Feb. 13.

Si Ogie ang excited at kinikilig dahil si Odette ang isa tsa initingala niya sa music industry, dahil isa raw sa kinalakihan niya ang mga awiting likha ng magaling singer/songwriter.

“Her music is part of my childhood. So, to do something like that a show with her, super exciting. For me, it’s a thrill for me,” pakli ni Ogie nang nakatsikahan namin nung Biyernes sa Vanilla Café, Quezon City.

“Nakakatuwa kasi songwriter siya e. So meron kaming… ka-kindred spirit ko siya kumbaga. Parang nakaka-identify ako dun sa ginawa niya.

“She said to me that she was excited to do a concert with me. And of course, sobra akong kinikilig,” napangiting pahayag ni Ogie.

Isa sa nakatsikahan namin kay Ogie ay ang tungkol sa mga anak niya.

Nagugulat daw siyang papasok na sa Junior High si Nate.

Kinumusta na rin namin si Ogie tungkol sa anak niyang si Leila na seryoso na sa relasyon nila ng rapper na si Curtismith.

Napag-usapan naman daw nila itong mag-ama, sabi ni Ogie.

“Nitong January, nagkasama kami sa beach and we had a good discussion,” pakli ni Ogie Alcasid.

“I can see that she’s very happy. I can see also that her boyfriend really takes care of her.

“Iba ‘yung sigla niya ngayon. So, I’m happy that she’s fine… and that they’re both happy.”

Handa naman daw siya kung sakaling pakasal ang dalawa.

Hindi pa naman daw siya sinasabihan, pero minsan ay napapag-usapan daw nila.

“Si Leila, may mga binabanggit siya na if ever gusto niya sa lugar na ‘yun, ang reception… If ever, meron siyang iniisip na kung ilan lang ang iimbitahin. Meron siyang nababanggit na ganun,” dagdag na kuwento sa amin ni Ogie.

Wala naman daw siyang ideya kung pinag-uusapan na ng dalawa, pero kung sakaling magpaalam na raw sa kanya, nakahanda naman daw siya.

“I’m ready for anything.

“She has a promise ring, meron na palang ganun ngayon? Promise ring… I don’t know what that means. Lagi naman niya suot ‘yun.

“I can see that my daughter is very happy. That’s enough for me. They’re good for each other. I can see that, and I can safely say that, they are very supportive with each other,’” sabi pa ng OPM icon tungkol sa lovelife ng anak na panganay sa dating misis na si Michelle van Eimeren.

vuukle comment

BIANCA

IZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with