^

PSN Showbiz

Robi, pinatunayan ang lakas ng karakter

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robi, pinatunayan ang lakas ng karakter
Robi at Maiqui

MANILA, Philippines — Parang napaka-sad naman ‘yung nangyari kay Robi Domingo. Imagine mo na kinakasal ka at isang member ng pamilya mo naman ang namatay.

Talagang hindi mo alam ang nangyayari at mangyayari sa buhay. Mapagbiro talaga kung minsan ang mga pangyayari. Kaya naman dapat lagi kang handa sa anumang puwedeng mangyari sa buhay mo.

At may maganda o masama man na magaganap, dapat handa lagi ang loob mo.

Dito mo nga makikita ang strength of character ng isang tao, ‘pag dumarating ang ganitong pagkakataon. Doon mo makikita kung paano i-handle ng isang tao ang pagdating ng saya at lungkot sa buhay niya.

Kung paano niya i-handle ang mga ganitong bagay doon mo makikita how good a person can handle a problem.

At hahangaan mo ang mga taong kayang-kayang magdala ng mga ganitong sitwasyon.

We can say emotionally mature at mas mataas ang intelligence nila dahil kaya nila itong dalhin.

It takes a lot of courage para maharap mo ang mga ganitong pangyayari sa buhay mo.

Imagine death at the time kung kelan nasa peak ka ng happiness.

Imagine mo na after your wedding sa isang wake ka naman pupunta.

Life talaga, mapaglaro.

Resulta ng MMFF, pinalakas ang loob ng mga taga-showbiz!

Talagang malaki ang kinita ng MMFF 2023. Kaya ngayon pa lang excited na silang lahat sa pagbangon ng showbiz.

Napatunayan na basta maganda at may star power ang isang pelikula tiyak na tatanggapin ng publiko.

Excited ako doon sa balitang Bong Revilla/Sharon Cuneta, at Coco Martin/ Alden Richards collab dahil tiyak na bongga ang kalalabasan nito.

Talagang iba pa rin ang magic ng local film kaya naman hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Sapat na ang magandang naging resulta ng festival para lumakas ang loob ng mga nasa showbiz.

Marami pa rin naman tayong stars na kayang humatak ng tao para manood ng sine.

At marami pa rin tayong stars na may kakayahang tumulong para maahon ang showbiz at iangat uli.

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with