Na-bash sa wasted opportunity kay Jo Koy.... Gretchen Ho, naungkat ang pagiging lutang sa current events, sitcom Nina John Lloyd at Bea, naunsyami na naman
Nakakapagtaka pa ba kung maraming nag-react sa post ni Gretchen Ho tungkol kay Jo Koy na ang sabi’y “wasted opportunity” raw ang hosting niya. Tuloy, ang tanong ng netizens sa kanya, magaling ka ‘teh?
‘Di ba’t usap-usapan nu’ng nasa ABS-CBN morning show si Gretchen eh puro energy siya pero lutang sa current events?
***
Bakit kaya, imbes na si Maria Ozawa ang top of mind ni David Licauco ay gumaling muna sa acting ang asikasuhin niya?
Ke comedy o drama, bakit napag-iiwanan siya ng ka-loveteam na si Barbie Forteza? O ang tanong, bakit kasi pinipilit pa ang loveteam nila?
***
After Kita Kita, talaga bang meron pang mapipiga sa tambalang Empoy Marquez at Alessandra de Rossi? Hindi ba ito napaglumaan na? Mag-hit pa kaya ang For Ever or umay na?
***
Tuloy na tuloy na ang Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0 nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at napakasarap ng champoradong ube na dala nila sa set.
Paano naman ang dapat na sitcom nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, anyare na?
***
Totoo kayang bayad ang lahat ng commercials ng Tahanang Pinakamasaya na umaabot ng 30 minutes?
Hindi kaya package rate ‘yun at talaga bang kumakapit ang advertisers sa bagong title ng show?
Nakakata-Quote:
“Nagustuhan mo ba ang bagong ilong ko?” – Alex Gonzaga to husband.
“Hindi. I mean maganda naman. Pero hindi kailangan.” – Mikee Morada
- Latest