Maraming bagahe sa buhay...Yeng, apat na taon nang nagte-therapy
Apat na taon na ang nakalilipas nang magsimulang mag-therapy si Yeng Constantino.
Para sa singer-composer ay kinailangan niya itong gawin dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay. “Talagang kinailangan ko ‘yon. Actually 4 years na ako nagte-therapy at hanggang ngayon nagte-therapy pa rin ako. Kasi katulad naming mga tao na maaga nagtrabaho, ako nag-work ako 14 years old. Medyo marami kang bagahe, marami kang bagay na tiniis. ‘Yung child in you, hindi nakapaglaro. Nakapaglaro ako pero hindi katulad ng ibang bata,” bungad ni Yeng sa ABS-CBN News.
Matatandaang Valentine’s Day noong 2015 nang magpakasal ang singer-composer at Victor Asuncion.
Para kay Yeng ay mas tumitindi ang kanilang pagmamahalan ng mister habang lumilipas ang panahon. “Sobrang saya ko kasi maganda samahan namin ni Yan. Magna-nine years na kami next month and grabe lang talaga ‘yung blessing ng relationship. Alam ko na it was a lot of work. Pinagpe-pray ko lang kay Lord na patuloy niya i-strenghten ‘yung relationship namin,” paglalahad niya.
Sa ngayon ay hindi pa rin nabibiyaan ng anak ang mag-asawa.
Ayon kay Yeng ay hindi pa nila nakikita ni Yan na bumuo ng pamilya. “Talagang wala pa sa panahon ngayon. Hindi pa talaga namin nakikita na mag-baby kami, pero narinig ko nga si Ma’am Karen Davila. Before pinapayuhan na niya ako magpa-freeze daw ako ng eggs and I think I will listen to her. Kasi hindi ko rin talaga alam kailan ako magiging ready,” pagtatapat ng singer-composer.
Ogie at Regine, proud na inaanak sina Robi at Maiqui
Magkakaroon ng Valentine’s concert sina Ogie Alcasid at Odette Quesada. Tiyak na sulit ang ibabayad ng mga manonood ng Love, Q&A concert ng dalawang singer-composer na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa February 14 at 15. “This is a collab that I’m so excited about. I think pareho kaming excited of course. Odette is a personal hero of mine when I was in high school. Magagalit si Odette but we would listen to her and now that I am working with her, it’s really an honor for me. We are singing my songs, her songs,” pagbabahagi ni Ogie.
Samantala, kamakailan ay nagdiwang ng kanilang ika-labingtatlong anibersaryo sina Ogie at Regine Velasquez. Isa ang mag-asawa sa mga may pinakamatibay na relasyon sa show business. “Most important is to communicate. Alam ko narinig n’yo naman maraming beses. But really talk to each other, listen to each other, give each other respect and relationship is something you have to work on,” giit ng OPM icon.
Tumayong ninong at ninang sa kasal sina Ogie at Regine para kina Robi Domingo at Maiqui Pineda noong January 6. Isang malaking karangalan para sa singer-songwriter na mapili sila ng Asia’s Songbird na maging bahagi ng buhay ng bagong mag-asawa. “It was a beautiful wedding. It was a beautiful day. They were both looking glamorous. As a ninong and a ninang, we are so proud to be part of that beautiful wedding and I just wish them both really, really the best of health. You can see that Maiqui is really getting stronger day by day,” pagtatapos ng singer-songwriter. — Reports from JCC
- Latest