^

PSN Showbiz

Lovi, nagsalita sa pagbubuntis

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lovi, nagsalita sa pagbubuntis
Lovi Poe.
STAR/ File

Ikinagulat ng mga manonood ang pagkamatay ng karakter ni Lovi Poe sa FPJ’s Batang Quiapo bilang si Mokang. Sobrang malapit sa puso ng aktres ang naturang serye dahil isa ito sa mga legasiya ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. “It’s my first time to be part of the show that represents my father’s name. So I’m really grateful to have been part of it. Sobrang nagpapasalamat ako sa friendships at mga relationships na nabuo dito,” nakangiting pahayag ni Lovi sa ABS-CBN News.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktres si Coco Martin. Minahal ng mga tagahanga ang tambalan nilang dalawa ng aktor at direktor bilang sina Tanggol at Mokang sa nakalipas na isang taon. “I have nothing but beautiful memories but I think after a year, I think it’s time for me to open myself up again with sa mga bagong opportunities,” paglalahad niya.

Marami ang napaisip na posibleng buntis na si Lovi kaya kinailangang tumigil na sa taping ng serye. Matatandaang noong Agosto lamang ikinasal sina Lovi at Monty Blencowe.  “No, first, I need to do it and have my husband around to do it to be able to be pregnant,” giit ng aktres.

Ate Vi, tanggap na ‘di no. 1 sa takilya

Mayroong ilang kumukuwestiyon sa pagkapanalo ng Best Actress ni Vilma Santos sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi Ng Parangal kamakailan. May bulung-bulungan na kinausap diumano ng kampo ng Star for All Seasons ang pamunuan ng MMFF para makuha ang naturang parangal. “Hindi bale kung kami lang personal, nagsasama na ng ibang tao. Like ‘yung mga jurors na ‘yan, sina ganito, ganyan, kumampi ‘yan. Si ganitong tao, inilakad ‘yan. My God, God knows na ni isa, we did not lift a finger para sabihin mong to get the Best Actress award,” paglilinaw ni Vilma.

Para sa batikang aktres ay tinanggap lamang niya ang award para sa natatangi niyang pagganap sa When I Met You In Tokyo. Nakalaban ni Vilma sina Sharon Cuneta para sa pelikulang Family of Two, Marian Rivera para sa pelikulang Rewind, Pokwang at Eugene Domingo para sa pelikulang Becky and Badette at Beauty Gonzalez para sa pelikulang Kampon. “To those na sabi na bakit siya na naman, hindi na muna ibigay sa mga bago, na they’ll have naman their turns. Paano ako lalaban doon? Kinausap ko ba ‘yung mga jurors? Wala naman akong alam. They just gave me the award which I’m very, very thankful for,” dagdag pa ng aktres.

Hanggang ngayong araw na lamang mapapanood sa mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023. Tanggap umano ni Ate Vi na hindi ang kanyang pinagbidahang pelikula ang nanguna sa takilya “What can we do? It’s really like that. I mean, sometimes you lose, sometimes you win. You cannot have everything. So, God is fair,” makahulugang pahayag ng Star for All Seasons.

(Reports from JCC)

FPJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with