Myrtle, tinanggap ang sorry ng bully na kaklase
Naging biktima pala ang aktres na si Myrtle Sarrosa noong nasa grade school pa siya ng bullying.
Kinuwento niya kay Boy Abunda ang ginawang pambu-bully sa kanya ng kaklase sa isang school kung saan baguhan pa siya noon.
Naging traumatic daw para sa kanya ang ginawa ng kaklase kung saan kinumbinsi nito ang iba pa nilang kaklase na huwag siyang kausapin.
Iyon daw pala ang rason kung bakit hirap siyang makipagkaibigan dahil sa pinagdaanan niya noon.
Nagkita raw sila isang araw ng kaklase niyang bully nang mag-stay siya sa isang hotel at ito raw ang nag-prepare ng room niya.
Nakita raw pala nito ang interview niya sa TV kung saan ibinahagi niya ang naranasan noon at humingi raw ito ng tawad sa kanya. “She told me ‘sorry sa nagawa ko sa’yo before. Hindi ko alam na ganoon pala na nasaktan kita.’ Akala nila laro lang for them, hindi nila naisip na ganung levels of trauma ‘yung mabibigay sa akin,” kuwento ng cosplayer.
“She apologized and then nagkabati nalang kami tapos sabi ko talaga the greatest gift is really forgiveness. Kasi back then she didn’t really expect na those kinds of words would hurt me so much,” dagdag pa niya sa interview ni Boy.
Ricky Lo, naalala sa bonus
Talagang iba ang mga Belmonte ‘pag boss mo sila.
Naloka ako na sa panahon ngayon ng pandemic at cost cutting talagang hindi nila nakalimutang magbigay ng bonus.
Totoong mapagmahal sila sa tao, at ayaw nila na ang mga nagtratrabaho sa kanila ay naaapakan at naaapi.
Kaya hindi nakakagulat na kahit mahirap ang economic condition ngayon meron pa ring bonus ang Philstar Media Group.
Na-miss ko tuloy si Ricky Lo na laging very proud sa mga magagandang bagay na nangyayari sa office Star. Tiyak na wala na namang tigil sa pagyayabang tungkol sa bonus na bigay ng mga Belmonte si Ricky kung nagkataon.
Maraming thank you, Papa Miguel Belmonte, so nice working with STAR. Bongga talaga, nakaka-proud.
- Latest