ABS-CBN magkakaroon na raw ulit ng franchise?! Matapos manalong Best Actor... Cedrick Juan iniintriga ang kasarian
MANILA, Philippines — Kikilalanin ni Bernadette Sembrano si Cedrick Juan na nanalo bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa kanyang ganap bilang Padre Burgos sa pelikulang GomBurZa, at malalaman kung paano nito pinaglaban ang kanyang pangarap na maging artista sa kabila ng pagtutol ng kanyang pamilya sa Tao Po ngayong Linggo (Enero 7).
Ibabahagi ni Cedrick ang tungkol sa kanyang paglalakbay mula sa teatro at indie films patungo sa pagiging ekstra at lead sa mainstream movies.
Ibinahagi rin ng MMFF awardee ang mga plano at hinahangad sa kanyang karera ngayong 2024.
Biglang naging hot item ngayon si Cedrick. Pero wala pala siyang manager sa kasalukuyan.
Tho malakas ang chika na malamang na i-handle na siya ng Star Magic lalo na at mainit na pinag-uusapan na diumano’y magkakaroon na ulit ng franchise this year ang ABS-CBN. Topic nga ngayon ‘yan na makakakuha na raw ulit ng franchise ang network na concentrated ngayon sa pagiging content creator.
Anyway, natanong din kaya ni Ms. Bernadette si Cedrick kung aware siya na iniintriga siyang bading kahit meron siyang girlfriend? Yup, may ganung issue nga sa actor.
Samantala, kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa nag-endorso sa pelikulang GomBurZa pagkatapos niya itong panoorin. Tweet ni Mayor Joy: “Just watched Gomburza, and I really loved it! It’s a must seen film. Congratulations, @PepeDiokno! QCitizens, watch Gomburza if you can. MMFF movies are still showing until January 7,” aniya.
Habang papalapit nga ang pagtatapos ng MMFF ay mas dumarami ang nanonood ng GomBurZa ng Jesuit Communications Foundation (JesCom) at ng MediaQuest ni Mr. Manny Pangilinan.
Anyway, bukod kay Cedrick, itatampok din sa Tao Po ng reporter ng ABS-CBN na si Raffy Santos ang police staff sergeant at abogado na si Adrian Ducat, na nakapasa sa Bar exam pagkatapos ng apat na subok. Ibabahagi ni Atty. Adrian ang kanyang kwento ng pag-asa at determinasyon at layunin upang gumawa ng mabuti para sa mundo ngayong isa na siyang ganap na abogado.
Samantala, makikilala ni Kabayan Noli De Castro ang Grade 9 student na si Amelito “Totoy” Funtanilla, na may sakit na cerebral palsy.
Ibinahagi rin ni Totoy ang kanyang pangarap na makilala ang kanyang idolo na si Coco Martin.
Mapapanood ang tao po ngayong Enero 7, 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.
- Latest