^

PSN Showbiz

Noontime shows, nag-major shakeup sa ‘23

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Noontime shows, nag-major shakeup sa ‘23
Tito, Vic and Joey,

Bye and thank you 2023.

Maraming naganap sa taong lumipas pero laging mas ang mga pangyayari sa showbiz ang consistent na tinutukan at trending.

Actually, ngayong taon dumami ang mga social media account na ang laman ay pawang showbiz updates.

Ang dami na ring naging entertainment journalist and critic. Lahat sila parang showbiz authority na at ginawang content ang entertainment chikas.

Sa totoo kasi, laging ang showbiz chikas ang bumebenta.

Medyo nalaos ang mga Maritess, nabawasan ang nasabing term this year dahil na rin sa mga naglalabasang fake news.

Anyway, major ang naganap sa noontime shows.

 Top trending sa 2023 ang naging suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It’s Showtime ng 12 days at ang paglayas nina Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga hanggang magkaroon sila ng sariling programa sa TV5 na E.A.T. dahil sa naging plano noon ng TAPE Inc. na pag-aari ng pamilya ng dating pulitikong si Romy Jalosjos na i-reformat ito at tsugiin ang TVJ na pakiramdam nina Tito, Vic and Joey ay isang malaking pambabastos sa kanilang pinaghirapan na programa.

Umabot hanggang sa korte ang usaping ito na hanggang ngayon ay wala pang resolution pero kamakailan ay pinaboran ang TVJ ng Intellectual Property Office of the Philippines para sa title pero nangatwiran ang abogado ng Eat Bulaga, si Atty. Maggie Garduque, na hindi pa tapos ang laban at hindi nila isusuko ang title dahil ang tunay na may-ari pa rin daw nito ay ang kum­panyang bumuo sa programa (TAPE) kahit pinagdidiinan ni Joey de Leon na sila ang nakaisip at bumuo ng pamagat na Eat Bulaga.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang programa na sina Isko Moreno at Paolo Contis ang tumatayong main hosts.

Ang Showtime ay pansamantalang pinalitan noon ng programa ni Luis Manzano na It’s Your Lucky Day dahil sa bastos na usapan diumano nina Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez sa isang portion na pambata.

Katwiran ng MTRCB, hindi lang ‘yun ang reklamo, kundi marami pang iba.

Hindi na ‘yun inapela ng Showtime at itinuring nilang bakasyon ang dalawang linggong suspensyon.

Nagkaroon ng clamor na ituloy ang Lucky Day pero wala pang malinaw na update kung bubuhayin ito ngayong 2024.

Ngayong 2023 din natsugi sa ere ang noontime show na Lunch Out Loud na matagal ding napanood sa TV5. Inilaban ng kumpanya ni Mayor Albee Benitez ang programang ito noong pandemic pero nung pumasok ang It’s Showtime sa TV5 ay nawalan ng oras ang LOL.

Pero hindi rin naman nagtagal ang Showtime sa TV5 dahil mas maganda ang naging agreement nila sa TVJ Production pero isang malaking pagbabago rin ang pagpasok ng banner noontime program ng ABS-CBN sa dating matinding katapat nila na GMA 7 dahil umere sila sa GTV.

At doon dineklara ng ngayon ay retired na si Atty. Felipe Gozon ang pagtatapos ng network war. Since then, wasak na nga ang network war.

Ang ABS-CBN ay nagkaroon na rin ng collab sa GMA sa pamamagitan ng Unbreak My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria and Joshua Garcia.

Patunay rin ng pagtatapos ng network war na ang Star Cinema ang isa sa producer ng pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera na number 1 sa ginaganap na Metro Manila Film Festival (MMFF) at ang mga sikat na Kapuso stars laging napapanood sa It’s Showtime.

Sinabi rin ni Ms. Annette Gozon na tuluy-tuloy ang magiging collab nila sa ABS-CBN ngayong bagong taon.

Kaya naman ang Christmas station ID ng ABS-CBN, kasama na ang TV5 and GMA 7 bilang isa silang malaking content creator ng bansa dahil bukod sa mga streaming platform, tuloy ang paggawa nila ng programa para sa GMA at TV5.

SHOWTIME

TVJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with