MTRCB, nagkaroon din ng kampanya sa sinehan
Naglunsad din ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls at Film Academy of the Philippines (FAP), ng Balik Sinehan event noong Pasko sa Trinoma Malls Cinema sa Quezon City.
Naghain si Njel De Mesa, ang Vice Chairman ng MTRCB na isa ring film producer, ng mahahalagang pananaw upang maibsan ang hamon ng pagbaba ng kita at kabawasan ng manonood sa sinehan bunsod ng popularidad ng streaming platforms.
“Hindi naman masama ang teknolohiya—ngunit sa pag-usbong ng mga streaming platforms, nagkaroon ng mas accessible at competitively-priced options ang mga manonood, naging mahirap para sa lokal na industriya ng pelikula pati na rin sa mga sinehan na makabangon pagkatapos ng pandemya. Kailangan nila ang ating tulong.”
Bukod sa pag-engganyo sa publiko na suportahan ang industriyang pelikula, inindorso rin ng MTRCB ang lineup ng pelikula sa ika-49 na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Binigyan din ang mga manonood at miyembro ng media ng gabay hinggil sa edad ng mga pelikulang kasali ngayong taon, mula sa G (General Audience) hanggang sa Parental Guidance) at R-13 (Rated-13). Binigyang-diin din ng Board ang kahalagahan ng Responsableng Panonood.
“Iba pa rin ang saya ng panonood ng sine kasama ang pamilya at mga kaibigan, higit sa pagbibigay saya, tumutulong tayo sa pangangalaga sa ikinabubuhay ng mga nagtatrabaho sa industriya,” pahayag ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.
Totoo naman, ang daming nagdagsaan sa mga sinehan.
Samantala, iba’t iba ang rate, depende sa mall.
‘Yung mga pangmayaman ay more than P500 pero pag pang-masa, P300 lang something ang ticket.
Kaya ‘yung mga pelikulang napunta sa pang-mayamang mall, nabawasan ang mga nanood pero ‘yung napunta sa pang-masa na mall, dagsa ang tao.
- Latest