Klosetang aktor, TH maging macho!
Natatawa ako habang pinapanood ang isang drama serye sa hapon. Kasi ‘yung isang actor na ang tsismis ay may pagka-beki talagang feel na feel mo na pinalalaki ang boses at pinipilit kumilos na isang tunay na lalaki.
Ha. hah hah.
Very awkward tuloy dahil hindi siya comfortable.
Sayang nga dahil kita mo na pati siya nahihirapan sa ginagawa niya, hah hah. Mukha pa namang paborito siya ng TV station kaya marami siyang projects.
Pero sure ako alam niya ang mga tsismis sa kanya, kaya trying hard din siya magmukhang macho. Kahit siya nahihirapan kaya lumalabas ang awkwardness sa kilos at salita.
Grabe talaga, hirap maging closet queen, hah hah, hindi bongga.
Jessica, binigyan ng kredibilidad ang Firefly
Alam n’yo ba kung sino ang isa sa nagbigay ng credibility sa Firefly na isa itong magandang movie? Si Jessica Soho.
Isa sa pinaka-credible na journalist host si Jessica at sure ako na sa rami ng followers niya, convincing ang kanyang review / comment sa Firefly.
Kaya kung ako, ibang pelikula at gustong umakit ng manonood, ‘yung mga credible ang hingan n’yo ng review o comment.
Kaya hindi kataka-taka na maganda ang feedback sa Firefly dahil word of mouth ang nangyari.
Bongga
- Latest