Kontrobersya kina Rob, Bianca, Herlene, mabilis naglaho
MANILA, Philippines — Parang ang bilis natapos ng kontrobersya kina Bianca Manalo, Rob Gomez and Herlene Budol.
Mabilis na in-assure ni Sen. Win Gatchalian na hindi pwedeng wasakin ang kanilang relasyon ng ‘fake news.’
Si Herlene naman ay nagbantang magdedemanda sa magkakalat pa ng supposedly ay laswaan at landian nila ni Rob.
At si Rob Gomez ay nagpabinyag ng anak sa partner niyang si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.
Before Christmas nga ay kumalat ang convo diumano nila na expected naman talagang idi-deny nila.
Kadiri ang usapan, laswaan, landian. As in bawal sa mga bata.
May kainan pa. May naka-upload pa du’ng pregnancy test, pero isang guhit lang.
Pero ba’t kaya sa kabila nang nasabing kontrobersya, hindi dumami ang followers ng actor? Sa huling check ko almost 90,000 lang ito sa Instagram.
Saka natabunan din kasi sila ng breakup nina Kim Chiu and Xian Lim.
‘Di hamak naman kasing mas may pangalan ang KimXi.
- Latest