^

PSN Showbiz

UH Barkada host namudmod ng regalo para sa 24th anniversary ng programa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
UH Barkada host namudmod ng regalo para sa 24th anniversary ng programa
Nag-umpisa ang anniversary week ng programa noong December 4 sa isang Grand Sorpresa Delivery Day. Sinorpresa ng UH Hosts na sina Suzi Entrata at Shaira Diaz ang isang housewife sa Pandacan, Manila ng isang brand-new 50-inch flat screen TV.

Para sa selebrasyon ng 24th anniversary nito, ang longest-running morning show sa bansa na Unang Hirit ay nagsorpresa ng kanilang viewers sa pamamagitan ng hosts na nagsalitan sa pag-deliver ng mga regalo sa mga deserving na Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nag-umpisa ang anniversary week ng programa noong December 4 sa isang Grand Sorpresa Delivery Day. Sinorpresa ng UH Hosts na sina Suzi Entrata at Shaira Diaz ang isang housewife sa Pandacan, Manila ng isang brand-new 50-inch flat screen TV.

Nang tanungin bakit siya umiiyak, “Natuwa na po ako kasi wala po kaming ganyan (TV) eh,” sagot ni Aling Belinda.

Naranasan din nina UH anchor Ivan Mayrina at weather presenter Anjo Pertierra ang maging delivery rider matapos nilang mag-deliver ng regalo sa isang nanay sa Quezon City. “Ang hinihiling ko lang (ay) may bigas ako na kakainin,” ani Nanay Josefina. Hindi niya inasahang mabibigyan siya ng mga regalong higit pa sa kanyang hiniling dahil binigyan din siya ng grocery items, brand new 50-inch flat screen TV, at 5,000 pesos cash.

Sa ikalawang araw naman, naglakbay pa-San Mateo, Rizal sina Susan Enriquez, Lyn Ching, at Kim Perez para tuparin ang hiling ng isang viewer. Napatulo ang luha ni Sheila Laroga, isang Pinoy na inaasam makasama muli ang kanyang pamilya sa Bicol matapos ang 10 taon, matapos makita ang sorpresa ng UH sa kanya — ang pamilya niyang lumabas sa isang malaking balikbayan box.

“Hindi ko po alam, hindi ko ma-explain. Sobrang saya po… sobrang saya po talaga,” pahayag ni Shiela.

Binigyan din ang pamilya niya ng  3-days-and-2-nights staycation package at cash para lalo nilang ma-enjoy ang oras nilang magkakasama.

Noong December 6 naman nangyari ang Sorpresa Truck Reveal kung saan ipinakita ang mga papremyo at regalo na nilalaman ng isang six-wheeler truck. Kasama sa pag-unveil nito sina Arnold Clavio, Susan, Shaira, at Kaloy Tingcungco. Mas nadama pa ang Kapaskuhan dahil sa pagkanta ni Jose Mari Chan ng “Christmas in Our Hearts” habang nakatatanggap ng papremyo gaya ng brand-new TVs, oven toasters, at cash ang ibang indibidwal.

Si Tatay Wilson, 70-anyos, ang nanalo ng grand prize na nagkakahalagang 24,000 pesos.

Sa ikaapat na araw, December 7, nagtungo namang Baguio City ang Sorpresa Delivery kasama sina Anjo, UH funliners Kaloy at Jenzel Angeles, at Abot Kamay na Pangarap stars Jeff Moses at John Vic De Guzman. Inabutan nila ng isang sako ng bigas, grocery items, at special jacket na naglalaman ng 5,000 pesos cash si Nanay Bella, isang vendor sa Burnham Park. Napaka-espesyal ng mga regalong inihatid nila dahil nalalapit na rin ang birthday ni Nanay Bella sa December 23.

Bilang pagtatapos ng anniversary week, bumisita naman sina Mariz Umali, Shaira, at Ivan sa Malabon City para mag-deliver ng grand surprise kay Khomenie Alauya, isang rider na nag-viral matapos mawalan ng pangkabuhayan nang masunog ang kanyang motorsiklo habang tumutulong sa isa pang rider. Dahil sa nangyari, kinailangan niyang paliparin pabalik ng Mindanao ang kanyang pamilya habang siya ay nagtatrabaho ng pa-extra-extra.

Para mapasaya si Khomenie ngayong Pasko, dala-dala ni Ivan ang isang brand-new motorcyle na sorpresa ng UH para sa kanya.

Buong linggong naghahatid-sorpresa ang UH barkada para sa 24th anniversary nito kasama ang iba’t ibang personalidad gaya nina Ms. Lani Misalucha, Ppop group 1st.One and Bilib, at Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera

Panoorin ang Unang Hirit sa GMA mula 5:30 a.m hanggang 8:00 a.m, weekdays, para madama ang daily excitement.

vuukle comment

TV

UNANG HIRIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with