^

PSN Showbiz

Rewind, grabeng magpaiyak

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rewind, grabeng magpaiyak
Marian Rivera at Dingdong Dantes
STAR/ File

May paandar sa katatapos na Rewind celebrity premiere sa SM North EDSA Cinema 7 nitong Biyernes, kung saan ni-request ng organizers na mag-selfie ang guests bago at pagkatapos ng screening para makita ang pagkakaiba ng mga mata nila.

Sinunod naman ito ng mga bisita at ang iba pa nga ay nag-post ng before and after selfies nila.

Nakakaiyak naman kasi talaga ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Talagang hindi mapipigilang lumuha sa mga eksena at tatatak sa isip mo na maging mabait na lang dahil walang rewind ang oras. Hindi mo maibabalik ang nakaraan. At laging nasa huli ang pagsisisi.

At ang husay-husay ng mag-asawa rito as in nagkakaisa ang mga unang nakapanood na malakas ang laban sa major awards ng obrang ito ni Direk Mae Cruz-Alviar.

Pero para kay Marian mas magaling ang mister niya. “Marami na akong napanood na pelikula niya pero ito talaga ang pinakamagaling siya,” pagdidiin ni Yan.

Anyway, true enough, pagkatapos ng movie ay ang daming namumugto ang mata.

Kahit si Ivana Alawi ay grabe ang iyak, ganundin si Alexa Ilacad, Kiray at marami pang iba.

Hindi ko natitigan ang mata nina Madam Charo Santos, Jessica Soho, Malou Santos, Cory Vidanes, Direk Irene Villamor, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Kyline Alcantara, Pepe Herrera (na ang galing din sa pelikula) at marami pang iba kung gaano karami ang naiiyak nila.

Anyway, ngayong araw magbubukas sa mga sinehan ang sampung pelikulang kasali sa 49th edition ng MMFF.

Abangan natin kung anong pelikula at madadagdagan ang sinehan at mababawasan.

‘Yun ang magiging basehan kung kumikita o hindi ang isang kasaling pelikula.

vuukle comment

SM NORTH EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with