Pokwang,masyadong madrama
Hindi ko maintindihan ‘yung drama nila Pokwang at dati niyang dyowa na American at ama ng anak niyang si Malia.
Kasi nga bakit parang galit at very bitter si Pokwang ng maghiwalay sila. Hindi ba puwedeng maging friends at civil dahil nagkaroon naman kayo ng relasyon. Hindi ba puwedeng limutin na lang ‘yung pangit na mga pangyayari between the two of you tutal nagkaroon naman kayo ng happy times together.
Masyadong negatibo ang dating ng awayan nila na later on baka magkaroon pa ng epekto sa anak nila.
Parang hindi maganda sa image ni Pokwang na heto lagot ka sa akin dahil iniwan mo ako. Parang inaapi niya ang dating lover.
Pero hindi mo rin masisi dahil parang scorned woman naman talaga ang nangyari kay Pokwang. Kaya aral din sa mga lalaki na mag-ingat sa mga karelasyon nila.
Dapat maganda ang paghihiwalay at maayos ang pag-uusap.
‘Kaloka na ‘pag naghiwalay siraan ang mangyayari. Very cheap ang dating ng washing your dirty linens in public. Dapat tahimik lang. Kaya nga ang ganda ng mga naghihiwalay na wala kang narinig.
Pasko na dapat lahat happy, ‘di ba, para mas maganda ang 2024 para bongga.
Happy Pasko...
Happy Pasko. So grateful na buhay pa tayo hanggang ngayon.
To be truthful akala ko hindi na ako aabot ng December nang magkasakit ako last June. Pero God is good all the time kaya naman nagpapasalamat ako with all my heart na ngayon magsi-celebrate ako ng Pasko.
Kaya nga napaka-sentimental ko sa lahat ng bumabati at nagbibigay ng regalo. Talagang very thankful ako.
Naisip ko nga ngayon ko lang talaga na appreciate lahat ng bigay sa akin. Ngayon ko lang talaga binigyan halaga lahat ng pagmamahal na tinatanggap ko. Sabi ko nga ngayon ko lang nalaman lahat ng tunay kong kaibigan.
Na-segregate ko na ‘yung mga plastic at kunyari friend mo pero hindi pala. Sabi nga nina Gorgy Rula, Salve at Pat-P Daza may presyo na ngayon ang friends ko, hah hah. ‘Yung hindi nagbigay regalo hindi ko na friend, hah hah.
Basta ngayon doble love ko doon sa mga bumati at nagbigay ng something kahit mumurahin o cheap lang pero na feel ko ang love.
Now na nadaanan ko na halos lahat ng pagsubok, bukas na ang mga mata ko sa lahat, kaya alam ko na ang plastic at totoo.
Merry Pasko at sana nga better 2024 for all of us. Kahit pa nga sinasabi nila na apektado ang showbiz, sure ako na babalik sigla pa rin ito. Promise.
- Latest