^

PSN Showbiz

Senator. Win, hindi ilalaglag si Bianca Herlene, nagbanta ng demanda sa ‘kainan’ nila ni Rob

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Senator. Win, hindi ilalaglag si Bianca Herlene, nagbanta ng demanda sa ‘kainan’ nila ni Rob
Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo

Funny ang mga komento sa post ni Sen. Win Gatchalian na pasasalamat sa Christmas gift nina Senator Sonny Angara and his wife Totsy.

“What a beautiful Christmas gift from @tootsyangara and @sonnyangara. @biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart,” caption ng pulitiko sa dalawang souvenir frame na may photo nila ni Bianca Manalo.

Win na win daw palang magmahal ang senador.

Pero meron din namang nega, na aniya hindi lahat nang nasa Senado… matalino sa pag ibig!

Nauna nang nag-no comment si Sen. Win sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa nasabing kontrobersya.

Pero mas bibilib daw ang lahat kung magpo-propose na siya sa former beauty queen / actress at pakakasal sila next year.

Bago ang iskandalong ito na nasangkot si Bianca sa pangalan ni Rob Gomez, may mga chika nang magpo-propose na ang senador.

Herlene Budol

Samantala, pinasagot na si Herlene ng abogado niya.

Style niya ang mga salita pero alam mong may approval ng lawyer.

Aniya, galing man siya sa broken family, hindi naman daw siya hayok sa laman.

At sinuman daw ang naglabas ng screenshot na ‘yan ay maari nilang kasuhan ng data privacy, defamation at cyberl libel.

Aniya sa kanyang X post : “Yung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa.

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos.

“‘Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang “Kain” ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. Sunakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako.  

“Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym.

“Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.”

Parang ganito rin ang statement ni Bianca nung isang araw, tungkol sa data privacy.

Si Rob Gomez at pinaninindigan na nawala ang cellphone niya kung saan nga na-post ang nasabing mga screenshot na may usapan ng ‘kainan’ nila ni Herlene at diumano’y pagkikita nina Rob at Bianca sa BGC na wala si Sen. Win.

ACTRESS

BIANCA MANALO

HERLENE BUDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with