^

PSN Showbiz

Cherry Pie, mahal pa rin si Edu

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie, mahal pa rin si Edu
Cherry Pie Picache at Edu Manzano

Natuldukan na ang mga bulung-bulungan tungkol sa hiwalayan nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano. Nagbigay ng pahayag ang aktres pagkalipas ng ilang buwan mula nang napabalitang nagkahiwalay na ang magkasintahan.

Kahit nagkahiwalay na ay nanatili naman umano ang pagiging magkaibigan nina Cherry Pie at Edu.

Para sa aktres ay patuloy pa rin ang kanilang pagmamahalan ni Edu bilang malapit na kaibigan. “We are very good friends. He is a very good person. We are very good friends. We will always love each other. So ‘yon, I think we’re okay naman. I think we will always love each other and ‘yon nga, we are friends. We are good friends,” giit niya.

Sa edad na limampu’t tatlong taong gulang ay posible raw muling magmahal ni Cherry Pie. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay wala namang problema sa aktres na makipagrelasyong muli.

Tonton, ‘di tumatanda

Mag-aapat na dekada nang aktibo sa show business si Tonton Gutierrez.

Marami ang nakapapansin na mukha raw hindi tumatanda ang aktor sa edad nitong limampu’t lima.

Ayon kay Tonton ay wala naman siyang sikreto upang mapanatili ang kanyang hitsura. “I don’t know. Wala naman akong sikreto. Wala naman akong beauty regimen. The secret behind it is to be relaxed with life. Kung meron mang mga problemang dumarating, hanapan mo ng solusyon ngayon, hindi dumating okay lang. Let it pass. And darating at darating din ‘yung sagot sa solusyon na ‘yon,” paglalahad ni Tonton.

Dalawang babae ang naging anak nina Tonton at Glydel Mercado.

Para sa aktor ay malaking bagay na masaya ang isang tao sa personal na buhay lalo na pagdating sa pamilya upang mapanatiling maayos ang pisikal na hitsura. Mahalaga rin para kay Tonton ang pagtulog nang maaga. “I sleep early, 8, 9, 10 o’clock tulog na ako. May edad na rin talaga. dahil sa edad, I just stay relaxed and be happy with my family. Being happy with my family, ‘yon lang ang sikreto,” nakangiting pahayag ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with