^

PSN Showbiz

Ryan, pinahanga ang mga kababayan sa AAA

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryan, pinahanga ang mga kababayan sa AAA
Ryan Bang

MANILA, Philippines — Isang malaking karangalan para kay Ryan Bang na nabigyan ng pagkakataon na mag-host sa Asia Artist Awards 2023 na ginanap noong isang linggo sa Philippine Arena.

Lubos ang pasasalamat ng It’s Showtime host sa pamunuan ng AAA dahil sa pagkakapili sa kanya para sa naturang event. “Salamat sa lahat ng bumubuo ng Asia Artist Awards 2023. First time po naganap dito sa Pilipinas kaya natuwa ako,” bungad ni Ryan.

Namangha umano ang Korean press kay Ryan dahil sa galing magsalita ng Tagalog ng binata. “Sobra akong natuwa dahil in-interview ako ng Korean news. Tinatanong ako kasi bakit ang galing ko raw sa iba’t ibang lenggwahe, mga Tagalog, English, alam mo kung ano sinagot ko? Sabi ko kasi dito ako nag-aral sa Pilipinas,” kwento niya.

Nakausap ni Ryan sa naturang event ang mga sikat na Korean Pop group na Stray Kids at NewJeans.

Inimbitahan daw ng aktor ang mga naturang K-Pop group na mag-guest sa It’s Showtime. “In-invite ko ‘yung Stray Kids, NewJeans. Sabi ko next time ‘pag may concert kayo kailangan n’yo dumaan sa Showtime para mag-promote din. Pero in-invite ko sila in Tagalog, kaya nga eh ‘yon ang problema. Pero kinausap ko naman sila backstage in Korean,” nakangiting pagtatapos ng It’s Showtime host.

Jane at Janella, tricky ang gagawin

Napanood na sa mga sinehan ang pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme. At kasama sa mga nagbida ay si Jane de Leon sa Rage episode.

Ngayon lamang naranasan ng aktres na gumawa ng isang horror movie.

Matatandaang nagtapos noong Pebrero ang Mars Ravelo’s Darna na pinagbidahan ng dalaga.

Maraming bagong proyekto ang pagbibidahan ni Jane sa susunod na taon na kailangang pakaabangan ng mga tagahanga. “Naku! Confidential pa. Niluluto na po and nagpi-pitch na sila sa akin for the next serye. Ngayon naghahanap na rin sila ng leading man. And nagre-reco naman ako ng mga leading man pero amin na lang ‘yon nina tita Cory (Vidanes), and also puro movies. Kasi ang dami talagang naka-line up na movies. Kaya kinausap ako ng mga bosses kung paano namin aayusin ‘yung schedule and napag-usapan namin na we should finish the movie first and then we’ll do series,” pagbabahagi ng aktres.

Kamakailan ay napabalita na muling magkakatrabaho sina Jane at Janella Salvador. Huling nagkasama sa Darna ang dalawa. “Actually, medyo tricky ‘yung title na How to be a Good Wife kaya maraming nagku-question what’s the story behind that title. I don’t want to share some stories about that muna. It’s very confidential for now. But marami talagang makakaabang do’n. It’s a dark comedy and first time namin na gagawin ni Janella ‘yon together and it’s our first movie together. Interesting siya and it’s dark comedy kaya sobrang bago sa amin ni Janella,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

RYAN BANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with