^

PSN Showbiz

Ang Pagbabalik ng Celebrity Samurai

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nauso noon na iniimbitahan ng mga TV game shows and variety programs ang mga radio jocks mula sa iba’t ibang FM stations para maglaban-laban. (parang may sabong every week!)  Kinarir ko ‘yan noon para sa pera at exposure! (bilang mukha akong pera!) Dumating din sa point na sari saring game shows ang hinost ko sa TV5 tulad ng  Pinoy Samurai, Celebrity Samurai, Big Shot Jackpot at Biggest Game Show in the World kung saan kasama ko sa mga ‘yan si Sir Joey De Leon. (close pala kami noon ha! maliban pa ‘yan sa Wow Mali namin!) Unforgettable din sa’kin ‘yung Jeepney Jackpot with Valeen Montenegro. (kasi may budget sa giant jeep!)

Paminsan-minsan napapasalang pa rin ako sa mga laro tulad na lang nitong pagsisimula ng buwan ng December,  kung saan naimbitahan kami nina Kakai Bautista at IC Mendoza sa Spingo ni John Arcilla sa TV5. (si Heneral gume-game show host ha!) Mga ilang beses ko nang nakasama ang dalawang ito sa mga guesting at si IC talaga ‘yung competitive! (‘yung may matinding pangangailangan ang level ng paglalaro!) Kaya s’ya ang nagwagi sa episode namin. Sayang lang ‘di n’ya nakuha ang Jackpot Prize. (kasi may usapan pa naman kaming tatlo sa hatian!) First time kong nakita si John at mukhang na-inlove ata ako. (bilang tinawag n’ya akong icon! Dahil daw sa aking may ganon! Taray ng icon ha!)

Kakatapos lang ng Season 1 ng Spingo. Hindi ko sigurado kung kelan ang Season 2. Pero ang ikinaloka ko ang pumalit sa timeslot nilang 5:30pm Monday to Friday ay ang replay ng dati naming game show na Celebrity Samurai (nahalungkat sa baul!) Tinawag ako d’yan na Gaysha at kasama ko sina Rufami as Kimonay, Wilma Doesnt as Itimpura at Sir Joey De Leon bilang Emperor Yoje/Prinsipe Sutsut. (si Sir Joey lahat nakaisip ng names!) ‘Yan ‘yung dating Pinoy Samurai na tine-tape pa namin sa Tagaytay para sa mga buwis buhay na challenges ng players hanggang sa nagpalipat lipat na kami ng location at mga artista na ang mga pinapahirapan namin. (nakakaloka mga ganap dyan!)

Marami akong masayang memories nung ginagawa namin ‘yan. (nagkajowa pa ata ako dyan. Chos!) Dyan kami naging close ni Wilma (‘di ko lang sure if close pa kami ngayon!) Swerte kami na makatrabaho ang nag-iisang Henyo na sa tuwing nakakasama ko sa show, wagas ang pagiging professional at mapagmahal sa katrabaho. (I love you, Sir Joey!)

Kung meron man akong dagdag na proyekto na gustong gawin sa telebisyon o online, ‘yan ang mag-host ulit ng game show. (kahit pa siguro quiz bee ‘yan!)

May kakaiba siyang entertainment value at masayang makita ang winning moments ng mga naglalaro. (basta dapat may balato ako bilang host ha!)

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

JOCKS

RADIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with