^

PSN Showbiz

Paolo, pinagtawanan ang kumalat na makukulong ng 7 taon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, pinagtawanan ang kumalat na makukulong ng 7 taon
Paolo Contis

MANILA, Philippines — Kung anu-ano na ang mga lumalabas na balita tungkol sa mainit na isyu ng Eat Bulaga at TVJ magmula nang makansela ang trademark ng naturang noontime show sa IPO Philippines.

Kaya humarap na sa ilang miyembro ng entertainment press ang legal counsel ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Kasama niya ang kasamahan nila sa legal department ng TAPE, Inc. na si Atty. Christian Henson.

Maayos na ipinaliwanag ni Atty. Maggie na hindi pa nai-award ang trademark ng Eat Bulaga sa TVJ, dahil nasa TAPE Inc. pa rin ito, dahil inapela pa nila ito.

Inilahad niya ang mga kasong hinaharap nila ngayon sa IPO pati ang copyright infringement case na dinidinig pa rin sa Marikina RTC.

Itong sa kaso ng trademark, naka-pending pa rin daw ito dahil nga sa inaapela pa nila ito.

Desisyon daw ito ng Adjudication officer ng Bureau of Legal Affairs ng IPO Philippines.

Iaapela pa raw nila ito sa director general, at puwedeng umabot sa Court of Appeals at Supreme Court.

Salungat daw ito sa mga lumalabas na balita dahil hindi pa raw talaga final ang lahat ng desisyon.

Nilinaw rin ni Atty. Maggie Garduque ang application ng trademark na isinumite ni Joey de Leon.

Aniya, “As regards the status of the application of Joey de Leon for trademark registration, this day po. Makikita n’yo po sa website and I can attest to that, ang nakalagay pa rin po ay pending.”

Ang isa lang sa ikinagulat nila ay ang mga kumakalat ay hanggang Dec. 30 ng taong ito na lang daw ang Eat Bulaga ng TAPE, Inc. at nag-resign na raw ang isa sa main hosts na si Paolo Contis.

Natawa na lang si Paolo sa mga ganung balita.
Meron pang artcard na lumabas na posible pa raw makulong ng pitong taon si Paolo dahil sa paggamit pa rin daw ng titulong Eat Bulaga.

Ganun na ka-weird ang mga fake news na kumakalat na tinatawa na lang ng Kapuso actor/TV host.

Ani Atty. Maggie, “Personal attack na sa kanila, desperate attempt to scare them obviously to pressure them to leave the show

“This just means how our hosts are effective and tinatangkilik sila ng manonood, kaya they are the target now.”

Masaya ring ibinalita sa amin ni Atty. Maggie na lalo pa raw dumami ang sponsors nila.

Kahapon ay umabot ng 45 minutes ang commercial load nila.

Uge at Boyet, inulit ang relasyon!

Ang saya ng pagkikita-kita ng ilang stars ng sampung kalahok sa ginanap na inauguration ng Metro Manila Film Festival Auditorium sa 5th floor ng bagong building ng MMDA sa Pasig City.

Pinangunahan ng Pasig City Mayor Vico Sotto ang ribbon cutting kasama ang Acting Chairman ng MMDA na si Atty. Don Artes at big stars ng ilang pelikulang kalahok na sina

Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Enchong Dee, Alessandra de Rossi, Eugene Domingo, at humabol na ang iba pang stars na sina Christopher de Leon, John Arcilla, Kylie Verzosa, Cebric Juan, Jay Gonzaga, Iyah Minah, at Alden Richards.

Ang saya nang magkita sina Uge at Boyet dahil game na game sila na reenact ang eksena sa pelikulang Relasyon (1982) na ginamit sa MMFF 2023 official entry na Becky & Badette. Sa pelikulang ‘yun ay sina Uge at Pokwang ang umarte ng memorable scene na ‘yun sa pelikula ni Ishmael Bernal.

Si Boyet naman ay nag-represent ng When I Met You in Tokyo na kung saan nagbabalik-tambalan sila ni Vilma Santos.

Ang tanging hiling naman nilang lahat ay maganda ang kalalabasan ng ngayong taong MMFF at sana tuluy-tuloy nang maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino

TVJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with