^

PSN Showbiz

Miguel at Ysabel, label-free ang relasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Miguel at Ysabel, label-free ang relasyon
Miguel at Ysabel

Meron daw natuklasan sa isa’t isa ang Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na inamin nila kay Boy Abunda sa programang Fast Talk With Boy Abunda.

Napag-usapan sa programa ang kanilang personal na buhay at relasyon at inamin din nilang “exclusive” na sila sa isa’t isa pero hindi nagmamadaling lagyan ng label ang relasyon nila.

Nalaman daw ng aktres ang pagkakaroon ni Miguel ng magandang work ethic.

Habang natuklasan naman daw ng aktor ang pagiging open ng anak ni Sen. Lito Lapid na pag-usapan ang mga problema.

Ang wish lang daw nila sa Pasko ay success nila.

At naging emosyonal pa si Ysabel nang tanungin siya kung happy ba siya sa kung anong meron siya ngayon.

Na binalikan naman niya ng tanong ang aktor ng “How long are you willing to love me?”

Hinihintay na lang ng fans ang kanilang official announcement sa kanilang relasyon. Siguradong magbubunyi ang mga ito ‘pag nagkataon.

Ka Tunying at Rossel, generous sa champorado at sopas

Ewan ko pero hindi ako maka-get over sa feeling of gratitude kina Anthony at Rossel Taberna.

Nang malaman ni Rossel , asawa ni Anthony, na paborito ko ang champorado at sopas, sinabing on the house at dinagdagan pa ng bulalo soup.

Talagang abot-langit ang pasasalamat ko sa mag-asawang Taberna. Na kung iisipin mo hindi kami nagkikita o nagkakausap nang personal.

Kaya nga hindi talaga sapat ang pasasalamat lang.

Hoping ako na one day magtagpo ang mga landas namin at magkakausap kami para masabi ko kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kanilang gesture sa akin.

Baka nga kaya gumaling ako at hanggang ngayon nandito pa dahil sa champorado at bulalo soup ng Ka Tunying. Comfort food ko ito na talagang ‘pag wala akong ganang kumain, ito ang nagpapabalik ng gana ko.

Pero higit sa lahat ‘yung sincere concern ni Rossel ang talagang hindi ko malilimutan for the rest of my life. Talagang coming from a person na halos hindi mo nakakausap o nakikita, napakalaking bagay noon para sa isang sentimental na tao na tulad ko.

Bongga.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with