^

PSN Showbiz

Piolo, pagod na pagod

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, pagod na pagod
Piolo Pascual
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Piolo Pascual na makagawa ng isang horror film. Pinagbibidahan ng aktor ang pelikulang Mallari na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023 ngayong Kapaskuhan. Aminado si Piolo na talagang nahirapan habang ginagawa ang naturang MMFF entry. “The biggest consideration was doing different. Because I’m used to doing drama rom-coms on TV and in film. When I googled Mallari and I found out that he actually existed, that’s when I realized it’s going to be based on a true story. It was hard because three roles eh. And the production value alone was a big consideration. It was very ambitious but it lived up to the expectations and everything. So, I was really happy about that,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Ayon sa aktor ay tinanggihan niya noong una na tanggapin ang naturang horror film. Pakiramdam ni Piolo ay paulit-ulit na lamang ang kanyang ginagawa bilang isang alagad ng sining. “Hindi ko naman in-expect na mag-play ng tatlong character. For the record, I turned this down. Sabi ko ayoko, pagod na pagod na ako sa ginagawa ko. But when I found out about the reality that Mallari was. As an actor, I guess it’s your job to always push yourself, to always do something different, and I guess for my growth as well,” paliwanag ng aktor.

Marco, wala pang balak pakasalan si Cristine

Mag-iisang taon nang magkarelasyon sina Marco Gumabao at Cristine Reyes. Naipakilala na ng magkasintahan ang isa’t isa sa kanya-kanyang mga magulang. “Actually, sobrang okay kami ni Cristine. We understand each other a lot. We ground our relationship through God, and ‘yon ang pinakaimportante sa aming dalawa. Everything is good. Si Cristine sobrang maalaga, we both care about each other. Of course, there will always be bumps along the road, but as long as we’re intertwined with God, kumbaga your relationship will be stronger,” pagbabahagi ni Marco.

Sa ngayon ay napag-uusapan na ng magkasintahan ang tungkol sa mga plano sa mga susunod na taon. “We talk about the future of course. Wala pa naman (napag-uusapan tungkol sa kasal) for now. Wala pa kaming one year, mag-a-anniversary pa lang kami in a few months. We’re very excited, we’re contemplating kung saan kami pupunta to spend our anniversary,” dagdag ng aktor.

Napatunayan umano ni Marco na talagang tunay ang kanyang pagmamahal sa aktres. Noong una ay ayaw na raw ni Cristine na makipagrelasyon sa isang artista. “May takot siya noong una. Like what she said, ayaw niya ng artista but I think na-prove ko naman sa kanya. I’m not the typical artista na lolokohin lang siya and will take advantage of her. I think that’s one thing that she trusted me with,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with