Eugene, mga aso na lang ang Itinuturing na anak
May impluwensya si Eugene Domingo bakit napakalma si Pokwang at okay na sa kanya na napapahiram na niya ang anak niyang si Malia sa ama nitong si Lee O’Brian.
Si Uge ang isa sa ninang ni Malia at napapayuhan daw niya si Pokwang na ang iisipin lang niya ay ang kaligayahan ng kanyang anak.
“Meron din siyang ano sa akin, na ‘sis, siguro ‘yung bata ‘di ba ganyan ganyan. Basta it’s all about Malia,” pakli ni Pokwang sa nakaraang media conference ng Metro Manila Film Festival entry niyang Becky and Badette ng Ideafirst Film Company.
Sabi naman ni Pokwang, may proseso raw kung magiging okay sila uli ni Lee bilang magulang ni Malia.
Ang tanging concern lang naman daw niya ay magiging masaya lang ang kanyang anak.
Sabi nga ni Uge sa kanya: “Ang advice ko lang kay Pokwang lagi is, huwag niyang pagsisihan ang lahat na magiging desisyon niya.
“Mahirap kasing mabuhay ng maraming regret. So now, the children are the priorities. So, iisipin mo, sana paglaki nila, they won’t blame you for anything ‘di ba?
“It’s always you think ahead na pagdating ng panahon iisipin nila, bongga talaga ‘yung nanay ko, ‘di ba? Kasi inuna talaga nila ‘yung kaligayahan namin, because you know, children will not forget the happiness they felt when they were children. Like, tayo hindi natin nakakalimutan ‘yung magagandang ginawa ng magulang natin.”
Pero si Eugene naman ay paulit-ulit na umiiling kung may balak ba siyang magkaanak sila ng husband niyang si Danilo Bottoni.
Tinanong namin kung pinag-uusapan ba nilang mag-asawang magka-baby sa scientific na paraan o kahit sa adoption, dahil hindi na puwedeng mabuntis ang comedienne.
“Hindi po talaga,” kaagad na sagot sa amin ni Eugene.
“Even if nung kaya ko pa... ngayon hindi ko na kaya. Hindi talaga. Mahilig ako sa bata. Pero ‘yung hindi galing sa akin. ‘Yung technically ha?
“Pero ‘yung magmahal na parang isang ina, kaya ko. Pero ‘yung technically na manganak, hindi ko talaga maisip. Hindi ko siya parang ginawang kailangan, ‘yung ganun. Kailangan magkaanak ako,” napapangiti niyang pahayag.
Pero sabi nga ni Pokwang, parang nanay na rin daw si Uge sa mga inaanak niya pati sa mga aso niya.
Sen. Raffy, iniimbestigahan ang mga endorsement!
Congratulations sa lahat na nanalo sa The Real Robust Challenge na in-announce sa kanilang party nung nakaraang Martes, Dec. 5, na ginanap sa Cork Elite sa Roofdeck floor ng W 5th Bldg., sa BGC, Taguig.
Dinaluhan ito ni Sen. Raffy Tulfo, na hindi pa siya senador ay ineendorso na niya ang naturang produkto ng ATC Healthcare International Corporation.
Ang daming nanalo sa raffle nila para sa ilan pang guests, pero ang bongga ng natanggap na premyo ng nanalo sa kanilang The Real Robust Challenge.
Kung sino ang nakakakuha ng pinakamaraming views ang siyang nanalong winner na nakatanggap ng P1M.
Napagwagian ito ni Vin FPV na kung saan personal na inabot ni Sen. Tulfo ang isang milyong pisong cash sa nanalo.
Ang second place ay nakatanggap ng P500K, ang 3rd place ay P300K, at ang mga hindi nagwagi ay nakatanggap pa ng tig-P30K.
Maganda ang relasyon ni Sen. Tulfo sa Robust na halos 15 years na pala niya itong ineendorso.
Natutuwa siyang hanggang ngayong senador na siya ay sa kanya pa rin ipinagkakatiwala ang supplement na ito.
Siyempre, mas nagagamit na raw niya ngayon dahil sa rami ng mga ginagawa niya,
Pero sa totoo lang, mas maingat na raw ngayon si Sen. Tulfo sa pagtanggap ng endorsement dahil nasa public service na siya.
Hindi naman talaga maitatanggi si Sen. Tulfo ang isa sa pinakasikat na broadcaster at pulitiko sa ngayon.
“Namimili na ako ngayon e. Hindi naman puwede basta basta. Halimbawa alak, of course hindi na ako mag-endorse niyan. Sigarilyo lalo hindi na.
“’Yung mga product na para sa akin ‘yung may integrity, may credibility, ‘yun very important to me, because if it doesn’t work, kasiraan ko rin ‘yun.
“That’s why, before I endorse a product nag-iimbestiga muna ako,” saad ni Sen. Raffy Tulfo.
- Latest