^

PSN Showbiz

Jinkee, mala-mall ang walk-in closet sa bagong bahay

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, mala-mall ang walk-in closet sa bagong bahay
Jinkee Pacquiao

Lumipat na naman pala sa bago nilang bahay sina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao at ang kanilang mga anak. Hindi lang nabanggit kung bahay dito sa Manila o sa General Santos City ang bagong bahay nila. Nakasulat lang sa caption ang “Lipat bahay. Salamat Lord sa tanan!”

Ipinasilip ni Jinkee ang kanyang walk-in closet na parang mall sa rami ng gamit. Sa perfume nga lang, lahat yata ng pangalan meron siya at ang dami niyang bags na iba’t iba ring ang brand at color.

Ang dami ring damit at iba pang gamit ni Jinkee sa malaki niyang walk-in closet at sa rami ng gamit, kinailangan pang may mga katulong siya sa pag-aayos ng mga gamit niya sa walk-in closet.

May pinost siya na YSL bag, pero nasilip ng isang follower ni Jinkee ang isang Hermes Faubourg Birkin bag na more than P1 million daw ang retail price. Pero siguradong hindi ‘yun ang pinakamahal na bag ni Jinkee.

Hindi lang sa bag marami si Jinkee, marami rin silang bahay sa Manila at sa GenSan at sa Amerika. Kapag na-bore sila sa isa nilang bahay, puwede silang lumipat sa iba nilang bahay.

Marian at Heart, nagpakilig sa usapan

Naaliw ang netizens sa Twitter post ni Sen. Chiz Escudero patungkol sa asawa niyang si Heart Evangelista. Kinunan niya ng larawan si Heart na may suot na prescription glasses habang nagpi-paint sa yellow Hermes bag.

Ang caption niya sa photo ni Heart ay “Sabi ko sa’yo tatanda ka rin eh... di lang ako...”

Nakakatuwa ang reaction ng netizens, marami ang nakyutan sa caption niya at may mga nakyutan din sa hitsura ni Heart na seryosong nagpipintura.

Sayang at wala pang sagot si Heart sa caption na ‘yun ng asawa.

Samantala, marami ang natuwa sa muling interaction nina Heart at Marian Rivera. Nag-comment kasi si Marian ng “Ang cute” na ang tinukoy ay ang pinost ni Heart na isa sa pet cats niya.

Kinilig ang mga nakabasa at mas natuwa tiyak ang fans kung sumagot siya, kaya lang, as of today, hindi pa niya sinasagot ang comment ni Marian. Saka, hindi pa natutupad ang dream ng kanilang fans na makita silang magkasama in one frame.

Kathryn, hinihiritang magpa-house tour!

Dalawa na sina Anne Curtis at Kathryn Bernardo na may 20 million followers sa Instagram at sila ang top Filipino celebrity na may ganito karaming followers. Naunang naka-20M followers si Anne at noong Dec. 8, si Kathryn naman ang naka-20M followers at mukhang madadag­dagan pa.

Mabilis na tumaas ang followers ni Kathryn sa IG sa kainitan ng tsika na break na sila ni Daniel Padilla at noong makumpirmang break na nga sila. Siguradong marami ring masasabi ang fans at casual fans ng aktres kung hindi limited ang puwedeng mag-comment sa comment box ng kanyang IG.

And speaking of Kathryn, lumipat na pala sila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay. Tinulungan siya ng Neat Obsessions na isang professional home organizer na maglipat. Ipinasilip nila kung paano inayos ang maraming cap ni Kathryn at ‘yun, marami ang nag-inquire at tiyak, marami ang gagaya.

Ang request ng fans, magkaroon siya ng house tour para makita nila ang kabuuan ng kanyang bahay. Maaalalang habang ginagawa ito ang mga mababasang comment na ay malaki ang bahay at may pabiro ngang nagsabing parang mini mall ang laki nito.

So, let’s wait sa pa-house tour ni Kathryn ng bago nilang bahay at pati raw walk-in closet niya na siguradong malaki rin.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with