Mondelez Philippines, isinagawa ang pinaka-unang coastal clean-up activity
Ginanap ang pinaka-unang coastal clean-up volunteer program ng Mondelez Philippines sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Sa pakikipagsanib-pwersa sa HOPE Philippines, ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagsusumikap ng kumpanya na suportahan ang Extended Producer Responsibility (EPR) Law at pagsulong ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagbawas ng basura sa karagatan.
Ilan sa mga employee volunteers ay nakiisa sa joint endeavor na may layuning makalikha ng epekto sa marine ecosystem sa loob ng Wetland Park kasama sina Mark Allen Besa, head ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Parañaque City; Caitlin Punzalan, Corporate and Government Affairs Lead ng Mondelez Philippines; at Meg Anne Santos, Senior Sustainability Campaign Manager at Plastic Credit Exchange, na partner ng Mondelez Philippines sa plastic waste diversion.
Ipinagmamalaki naman ng Corporate and Government Affairs Lead ang pakikiisa ng Mondelez Philippines sa coastal cleanup na ito na invested sa ikabubuti ng mga komunidad at kapaligiran.
“As a company deeply invested in the well-being of our communities and environment, Mondelez Philippines is proud to participate in this coastal cleanup,” pahayag ni Punzalan.
Sa hangarin nitong isulong ang sustainability, gumawa na ng hakbang ang Mondelez Philippines upang mabawasan ang paggamit ng packaging at makatulong na maisaayos ang waste collection at diversion systems sa bansa.
Nangako naman ang Mondelez Philippines na kolektahin at i-divert ang 100% post-consumer plastic packaging nito na pagsunod sa EPR Law. Nagtayo rin ito ng plastic recycling facility sa loob ng Parañaque City bilang selebrasyon ng ikaanim na dekada nito sa Pilipinas.
Nakatulong naman ang cleanup effort sa Las Pinas-Parañaque Wetland Park na makakolekta ng 184 kilos ng basura na karamihan ay plastic packaging.
Ang aktibidad na ito ay nakatulong din na ipakita ang commitment ng Mondelez Philippines na makalikha ng circular economy kung saan hindi tinitingnan bilang basura ang plastic kundi isang kapaki-pakinabang na dapat kolektahin nang tama sa pamamagitan ng pag-recycle o upcycle.
- Latest